OPEN LETTER PARA KAY P-NOY MAHAL NA PANGULO,

Ako po ay isang ordinaryong OFW sa bansang Saudi Arabia. It so happen lang po na ako ay naging isa sa mga lider-komunidad ng mga samahang Pilipino sa Riyadh.

Hindi ko po alam kung mababasa po ninyo ito, pero ako po ay nagbakasakali na maihatid sa inyong tanggapan ang mga hinaing ng ating mga kababayan sa bansang Saudi Arabia. At maging ideya po ninyo sa mga tunay na nangyayari sa aming hanay. Sana po ay maging guide po ninyo ito sa maaring hakbang ng inyong gobyerno sa pagtulong o pagbalangkas ng batas upang maalagaan ang aming karapatan bilang manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.

Hindi po lingid sa inyong kaalaman ang mga hinaing ng mga OFWs lalo na po sa mga bansang sakop sa Gitnang Silangan. Isa na po rito ang pang-aabuso at pagmamaltrato sa ating kababaihang Domestic Helper o kasambahay. Nandiyan rin po ang rampant contract substitution na kung saan nababago ang kontrata pagdating sa kaharian.

Napakarami po ng problema namin dito na hindi agarang matugunan ng ating konsulada at embahada dahil na rin sa kakulangan ng mga staff na marunong o may alam sa Shariah Law, mga Arabic interpreter at sasakyang magagamit ng ating mga POLO/OWWA staff upang marating agad ang mga tulong sa mga kawawa po nating kababayan. Ang pagtalaga ng isang Labor Attache na may alam sa Shariah Law at may alam pati sa kultura at tradisyon ng mga bansa sa Gitnang Silangan. Ang paglalagay ng isang opisina o tanggapan sa paliparan ng kaharian upang madokumento ang lahat ng mga detalye ng isang OFW na parating sa kaharian, destinasyon nito, address, pangalan ng amo ng OFW lalong-lalo na po sa mga Filipina Domestic Helper. Ang pagbubuo ng isang committee na galing sa administrative department (Executive Branch of Government) ng ating pamahalaan upang mangasiwa sa pagbalangkas ng isang konkretong bilateral labor agreement na may ngipin at lakas upang mapangalagaan ang aming kalagayan, karapatan at kagalingan. Isang OFW Trust Fund from the Office of the President, whatever you call it, na kung saan ito ay magagamit para lamang sa mga kinakailangan pinansiyal sa mga kaso (labor or criminal case) at sa mga nakulong na kababayan at sa mga takas po naming mga kahanay.

Ang mga nababangit sa itaas ay magiging ganap lamang kung ang namumuno sa ating bansa ay may “political will”, wika nga, o may malasakit sa aming mga OFW.

Mr. President, WE know the ever-increasing burdens on your shoulder, the Filipino people has spoken, your victory in the last election has given renewed hope and courage to all who have faith in the new government. WE are asking you, Mr. President, to please include the OFWs in your agenda for a real change.

Maraming Salamat Po! – Manuel A. Amora-OFW Riyadh

By Atty. Ome Candazo

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.