OPAPP, Dapat Nang Makialam – Zamboanga Mayor

NANANAWAGAN NA si Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na mamamagitan sa nangyayari na stand off sa kanilang syudad.

Nanawagan na ang alkalde sa national government lalo na sa OPAPP na tugunan ang mga hinaing ng Moro National Liberation Front (MNLF) upang maresolba ang nasabing krisis.

Iginiit ni Climaco na hindi nila trabaho ang negosasyon kundi matiyak ang kapayaan para sa kanilang mga mamamayan.

Habang trabaho naman umano ng OPAPP ang mamagitan sa negosasyon.

Tinukoy ng alkalde ang problema hindi lamang sa MNLF kundi sa MILF at iba pang mga rebelde na dapat na ayusin.

Kung magsasagawa man ng mga pag-uusap, dapat ding gawin sa labas ng kanyang syudad dahil hindi naman kasama ang Zamboanga sa ARMM.

Sa panig naman ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita “Ging” Deles, sinabi nito na sa ngayon, kailangan ang military action at ang DoJ na humarap sa problema sa standoff sa Zamboanga.

Naniniwala si Deles na dapat pag-aralan ng DoJ kung anong mga kaso ang isasampa sa mga nasa likod nang marahas na pagkilos.

Kung tutuusin ay ibang paksyon ang umuukupa sa anim na mga barangay sa naturang lungsod.

Samantala, ang ibang grupo aniya ng MNLF ay tutol sa ginawa ng paksyon nina Nur Misuari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.