Onyok, malayo na ang narating; endorser na rin ng damit pambata

Onyok

Onyok

Dahil sa kanyang karakter sa “FPJ’s Ang Probinsiyano”, si Xymon Ezekiel Pineda na mas kilala natin na si Onyok ay malayo na ang narating mula nang mapansin siya sa “Mini Me” contest ng “It’s Showtime”, kung saan ginaya niya ang rock singer na si Bamboo.

Pero mas malaki ang naitulong ng aksyon-serye kay Onyok. Nakabili siya ng magarang kotse na “Ford Everest” na siyang gamit niya tuwing may taping siya at trabaho.

“Mahirap po kasi, lalo na pupunta kami ni Mama sa taping na naka-taxi lang,” kuwento ni bagets sa amin sa isang pagtitipon para sa iniendorsong clothing line kasama ang Kuya Arjo Atayde niya na H/Head.

Yes, si Onyok ngayon ang dagdag sa celebrity endorsers ng H/Head for Kids.

Sabi nga ni Sir Mario Ong na siya nagmamayari ng kompanya, akma lang na si Onyok ang kinuha nila. “Kilala siya ng tao. Gusto namin na makatulong siya sa endorsement para maging maganda ang sales namin,” sabi nito sa amin.

Kaswal lang si Onyok. Ang kasikatan niya ay parang wala lang na habang kinakausap namin siya, tuloy ang pagkalikot niya ng kanyang tablet at tila may nilalarong online game.

Ang kinikita niya bilang artista, ang “mama” niya  ang nagha-handle ng kanyang finances.

“Nasa bangko lang ang pera ko,” kuwento ng bagets na nagpauso ng salitang “Ayoooos!”

Close sila ng Kuya Coco Martin niya na minsan, inimbitahan siya sa haybols ng actor para mag-swimming at mag-enjoy siya.

Nandu’n ba si Ate Julia Montes niya noong dumalaw siya sa bahay ni Coco? Sagot lang ni Onyok, “Wala po. Nakikita ko lang sila sa Instagram,” sabi ng bata.

Nang uriratin namin kung okey ba sa kanya na si Kuya Coco at Ate Julia ang magkatuluyan as boyfriend-girlfriend, mabilis na sagot ni bagets, “Opo. Bagay sila.”

Sa ngayon ay naghihintay lang sila sa pagsisimula ng shooting ng bagong pelikula nina Coco at Vice Ganda na pang-MMFF 2016 kung palarin na matapos bago ang deadline at mapili as one of th entries.

Makasasama ni Onyok sa pelikula, ang Kuya Mak Mak niya na mas kilala natin as Aura.

Sa ngayon, 1-year contract muna ang pinirmahan ng ina ni “Onyok” sa clothing line.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.