Online Shopping, Nauwi Sa Swindling

NAWALANG PARANG bula ang pera ng isang school teacher matapos na itakbo ng isang lalake ang kanyang pambili ng cellphone sa isang buy and sell website sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Caloocan City Police ang biktimang si Ryan Rhay Viccera, 34 anyos, guro at kasalukuyang residente ng Pastor St., Balot, Tondo, Manila habang ang suspek ay nakilalang si Robert John dela Rosa, nasa hustong gulang at umano ay naninirahan sa # 1483, Infinity Road, Camela Homes, Quezon City.

Sa isinagawang im-bestigasyon ng Caloocan PNP, pasado alas-4:00 ng hapon ng magpadala ng P10,000 ang biktima sa suspek base sa napagkasunduan nilang presyo ng bibilhing unit ng biktima na i-Phone 4S sa LBC Remittance sa LBC Greenhills branch sa San Juan City.

Bandang alas-5:10 ng hapon ay nakuha ng suspek ang naturang ha-laga sa LBC Rizal Avenue Branch, Caloocan City. Ginabi na ng kahihintay ang biktima kaya’t tumawag siya sa nasabing establisimyento at doon niya nalaman na nakuha na pala ng suspek ang pera niya.

Sinubukan niyang kontakin pa ang susupek ngunit hindi na ito sumasagot dahilan upang agad niyang ipagbigay alam ang insidente sa pulisya.

Kasalukuyang pinaghahanap ang suspek at posibleng maharap sa kasong Estafa at Swind-ling.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.