Online libel, legal – SC

IDINEKLARANG CONSTITUTIONAL o legal ng Supreme Court (SC) ang probisyong online libel sa Cybercrime Law.

Ito ang inihayag ni Supreme Court Public Information Office (SC PIO) Chief Theodore Te, kahapon ng tanghali.

Ito’y nakapaloob sa Section 4 ng batas kung saan nagtatakda ng kaparusahan sa original author ng post, pero unconstitutional o ilegal naman ang pagsasampa ng libel sa mga nakatanggap o nagkomento lamang sa mga post sa Internet.

“Section 4 C4 which penalizes online or Cyber libel is not unconstitutional with respect to the original author of the post but unconstitutional only where it penalizes those who simply receive the post or react to it,” nakasaad sa desisyon.

Idineklara ring legal ang Section 5 na nagtatakda ng parusa sa sinumang tumulong o nakipagsabwatan sa pagsagawa ng cybercrimes o sinumang magtatangkang gumawa nito na kinabibilangan ng mga sumusunod na aktibidad: illegal access, illegal interception, data interference, system interference, misuse of devices, cyber squatting, computer related fraud, computer related identity theft at cyber sex.

Kasama namang idineklarang ilegal ng Korte Suprema ang pangongolekta ng real-time traffic data ng awtoridad pati ang takedown power clause ng Department of Justice (DOJ) o pag-alis o paglilimita ng access sa Internet ng sinumang user.

Ilegal din sa konstitusyon ang Section 7 na nagtutulak ng kaparusahan sa online libel at child pornography sa ilalim ng parehong Revised Penal Code at RA 10175 dahil sa pagbabawal sa double jeopardy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.