Online Libel, Inalis na sa Cybercrime Law

MAG-EENDORSO ANG Department of Justice (DOJ) ng bagong bersyon ng Cybercrime Law o Republic Act 10175 sa Kongreso.

Sa binitiwang talumpati sa 3rd Regional Workshop on Cybercrime sa isang hotel sa Pasay City, sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na bumalangkas ng bagong version ng Cybercrime Law ang DOJ Office of Cybercrime na kanilang isusumite sa pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo.

Ayon naman kay Justice Assistant Secretary Geronimo Sy, wala na ang online libel sa enhanced version ng batas.

Maaalala na nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) laban sa Cybercrime Law noong Oktubre 9, 2012 at pinalawig pa nitong Pebrero 5 matapos kuwestyunin ng ilang personalidad at grupo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.