Online Jueteng, Walang Basbas – PCSO

WALANG BASBAS ng Philippine Charity Sweespstakes Office (PCSO) ang bagong iskema ng pagkuha ng taya sa lotto tulad ng sinasabing “online jueteng”.

Ito ang nilinaw ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas.

Nadiskubre aniya ng PCSO na ang kanilang lotto agent na World Reliance Trading Corporation (WRTC) ay nagpapataya umano ng lotto sa pamamagitan ng text messaging.

Sinabi ni Rojas na wala itong permiso mula sa kanila kaya ipinatawag nila ang nasabing kumpanya.

Dahil sa naturang pangyayari, isasailalim sa im-bestigasyon ang naturang kumpanya.

Sakaling may makitang paglabag sa kanilang kasunduan ay agad aniyang papatawan ng parusa ang WRTC.

Samantala, bagama’t naghugas-kamay sa “online jueteng” o “online lotto” ay bukas naman si Rojas na gumamit ang PCSO ng makabagong teknolohiya basta’t susundin ang batas at mga proseso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.