One Vote Movement, itinalaga sa local polls

ITINALAGA NG Commission on Elections (Comelec) ang grupong One Vote Movement bilang citizens’ arm ng poll body sa nationwide barangay elections na gaganapin sa Oktubre 28.

Base sa inilabas na resolusyon, tinukoy ng Comelec ang umano’y “good record in the past” ng grupo para makatuwang nila na matiyak na maging maayos at mapayapa ang mangyayaring halalang pambarangay.

“In its past accreditation, it has been helpful to the Commission especially in voters’ education and it has been helpful to the Commission especially in voters education and it has been advocating the Commission’s mandate to make sure that the conduct of elections is clean, orderly, honest, peaceful and honest,” ayon sa resolusyon.

Inihayag pa ng poll body ang malawak umanong mass-based constituency ng grupo sa buong bansa.

Bilang citizens’ arm, kabilang sa responsbilidad ng One Vote Movement ay pagpapalawak ng mga information and education drives at iba pang poll watching activities.

Samantala, inilabas na rin ng Comelec ang official resolution sa pagpapaliban ng barangay elections sa lalawigan ng Bohol.

Matatandaan na ang naturang lalawigan ay labis na sinalanta ng magnitude 7.2 na lindol kamakailan.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang nabanggit na hakbang ng poll body ay kasundo na rin ng naging apela ng mga local officials sa lalawigan na maipagpaliban ang araw ng eleksyon.

Samantala, una na ring ipinagpaliban ng Comelec ang barangay elections Zamboanga City kasunod nang mahigit tatlong linggong standoff sa pagitan ng government troops at MILF rebels noong Setyembre.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.