One-Strike Policy ni Bacalzo, Inutil sa CAMANAVA area

INUTIL AT WALANG silbi ang “one strike policy” ni PNP Director Gen. Chief Supt. Raul Bacalzo dahil wala pang ulong gumugulong na mga chief of police na mahuhulihan ng iligal na sugal na Jueteng.

Ayon sa ilang police insider ng apat na police station sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area, talaga raw inutil at walang silbi ang nasabing pulisya dahil hindi nagtatrabaho ang mga hepe ng mga nabanggit na lugar para manghuli ng Jueteng.

“Papaano manghuhuli ay may tinatanggap umanong parating na ‘kuwarta’ ang pulisya ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela mula sa mga financier at operator ng Jueteng,” wika pa ng mga police insider.

Idinagdag pa nila, maging sa Camp Crame at sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay may dumarating umanong parating para hindi mambulabog sa operasyon ng Jueteng.

Napag-alaman mula residente ng District 1 at 2 sa Caloocan, na sina R. Ramirez at M. Echiverri na sinasabing malapit na kaanak ng isang mataas na opisyal ng pamahalaang lungsod ang nagpapatakbo umano ng operasyon ng Jueteng.

Sinabi pa ng mga residente sa District 1 na kanilang natatandaan na isang dating naging hepe ng pulisya ng Caloocan ang nasibak dahil binulabog nito ang operasyon ng Jueteng nina RR at ME.

“Sa ngayon, walang sinumang maglakas ng loob na makikialam sa operasyon ng Jueteng sa nabanggit na lungsod dahil pader ang sinasandalan ng dalawang operator na ito,” sabi pa ng mga residente.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “One-Strike Policy ni Bacalzo, Inutil sa CAMANAVA area

  1. Mr. Magpoc, pasimple ka pa kunwari dinadamay mo ung malabon, nav, val pero ang tumbok mo caloocan pa rin hehhehe bakit kaya di mo itawag yan sa city hall ng caloocan o iparating mo sa inaakusahan mong mayor para naman malaman nya na sikat na sikat sya sa column mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.