Tago: One more chanc(ing)

Tsk, tsk, tsk! ito na lang ang nasambit ng mga mirong malulupet matapos masaksihan na hindi pinalampas ni Mambabatas ang magaganda at sobrang mapagtiwalang kolehiyala mula sa isang exclusive school.

Ayon sa tsismis na nasagap ng ating chikadorang makulit, abala raw  ang mambabatas sa pagsagot sa mga tanong na ipinupukol sa kanya ng ating media bros and sisses nang maispatan ang isang

pulutong ng naggagandahang kolehiya at sa kung anong sanib, biglang nawala sa sarili si Kong. Nagulo ang kanyang huwisyo at nawala ang pokus sa Q&A kaya ang mismong mga reporter, eh, naintriga na rin.

Napailing na lang daw ang mga miron nang mabatid kung saan nakatutok ang mga mata ni Kong na parang takam-takam.

Labis na nadismaya ang ating mga kapatid sa Fourth State dahil umalis si Kong na parang isang adik na hindi makaiwas sa tukso at tinungo nito ang mga bisitang teenager.

Pero lalong windang ang sangkamirunan, mga ka-parazzi, dahil hindi lang pakikipagdaupang-palad ang ginawa ng mambabatas kundi sinamantala ang picture-taking para pasimpleng makahawak sa makorteng bewang ng mga kolehiyala with matching kiskis pa ng kanyang katawan.

Kaya naman irita.com ang mga saksing miron dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pala nawawala ang pagkamanyakis ng mambabatas.

Hay, naku! Don’t push your luck, Tsansingerong Solon! Mabigat-bigat din ang parusa sa kasong sexual harassment, ‘no!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.