ONE GREAT OPPORTUNITY: Dennis Trillo at JC de Vera, nakauna kay Kim Chiu

ONE GREAT LOVE cast members JC de Vera, Kim Chiu and Dennis Trillo

THE FACT na first time maging daring ni Kim Chiu sa kanyang showbiz career, swerte nina Dennis Trillo at JC de Vera sa aktres dahil sila ang nakauna sa dalaga.

What I mean sa “nakauna” ay ang naka-love scene nila si Kim sa pelikulang One Great Love na kabilang sa MMFF 2018 official entry ng Regal Entertainment.

For the first time, binasag kasi ni Kim ang imahe niya na masyado prim and proper na alam ng publiko tungkol sa kanya.        

Sa unang pagkakataon ay tinanggap ni Kim ang isang adult role at mas daring ang karakter na para sa dating sanay sa mga paiyak-iyak niya na mga eksena at isang martir na umiibig sa mga previous acting project niya, ibang Kim ang mapapanood ng publiko this time.

Ikaw nga, out of the box. Not your ordinary or typical Kim Chiu lang ang masasaksihan ng publiko sa aktres dahil for the first time, ang the usual kiss at yakap-yakap scenes ni Kim sa mg dating pelikula sa page-execute ng isang love scene, with One Great Love, iba ang pagka-daring ng aktres sa pelikulang dinirek ni Enrico Quizon.

Sa obrang sinulat ni Gina Marissa Tagasa, hindi lang isa o dalawa ang hot love scenes ni Kim kundi tatlo.

Kim Chiu and Dennis Trillo

Isa with Dennis sa harap ng fire place at dalawa with JC sa isang open air bath tub sa yate at ang isa ay sa loob ng kuwarto.

Kuwento ni Direk Eric sa amin na made-differentiate mo ang intensity ng tatlong love scenes sa pelikula.

“Nung kinunan namin yong sa bath tub, hindi pa alam ni Kim kung ano ang gagawin. Sa liit ng space, hirap siya noong una. Yong sa kanila ni Dennis iba rin,” kuwento ng direktor.

Originally ay wala pala yong mga love scenes na yun sa pelikula at idinagdag lang ni direk para maging iba lalo na para kay Kim.

Kinalaunan sa ilang practice bago kunan ang bath tub scene nina Kim at JC ay naayos din at nakagamayan din ng aktres ang tamang posisyon para hindi magkabungguan ang mga tuhod at siko nila ni JC.

May didikasyon talaga si Kim sa pagbabagog-bihis niya ng imahe via One Great Love. Maging ang editing ng movie ay sinisilip niya.

JC de Vera and Kim Chiu

Komento nga ni Dennis sa aktres:“Nakita namin yung dedication niya sa shooting, kahit na pagkatapos ng shooting talagang nagbabantay siya sa editing, inaalam niya kung ano yung magandang soundtrack na gagamitin. Daig pa niya yung producer kaya sobrang saya namin na talagang tutok siya and ganun siya ka-involved dito sa pelikulang ito. Nakita ko yung mga projects na ginawa niya noon.

“Parang pinipili niya iba iba palagi so this time iba na naman yung makikita niyo na kaya niyang i-offer. Kailangan niyo mapanuod yung performance niya dito,” sabi ng aktor.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.