ON INAH & JAKE ROMANCE: “MALAY NIYO, NEXT YEAR SAWA NA KAYO SA ISA’T ISA!” – JOHN ESTRADA

John Estrada

VERY OPEN ang aktor na si John Estrada sa relasyon na pinasok ng kanyang anak na si Inah de Belen.

Yes, in love ang kanyang dalaga (mula sa kasal nila ni Janice de Belen) kay Jake Vargas.

Open si John. “Ilang taon na rin ang anak ko,” kuwento niya sa amin during the edia conference ng bagong fantaserye show ni Alden Richards on primetime sa GMA-Kapuso Network.

John plays Loki na isang immortal sa seryeng Victor Magtanggol na mapapanood na nag-umpisa na kahapon sa primetime.

Dahil may tiwala si John sa anak,  payo niya kay Inah na Mag-enjoy lang muna sa kanyang pakikipagrelasyon kay Jake.

Payo ng aktor sa kanyang dalaga: “Kasi ang daling mag-asawa?”

Dagdag pa ng aktor sa current lovelife ng kanyang dalaga: “Ilang taon na yung anak ko.

Jake Vargas and Inah De Belen

“Enjoy muna sila. ‘Mag-ano kayo, pumunta kayo sa iba’t ibang lugar. Explore. Malay niyo next year sawa na kayo sa isa’t isa, iba naman.”

Na-meet na niya ng personal si Jake nang mag-guest siya sa Pepito Manaloto kung bahagi ng regular cast ang boyfie ng anak.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.