On daughter-in-law’s prenancy: Vic Sotto is excited with the coming Oyo Sotto and Krtistine Hermosa’s baby!

NAPAKASAYA SIYEMPRE NI Vic Sotto sa bago at napakagandang balita na dumating sa kanilang pamilya, na siyempre pa’y ang pagdadalang-tao na nga ng kanyang manugang na si Kristine Hermosa, wife ng kanyang anak na si Oyo Sotto.  Eksaktong six weeks nang buntis ang magandang aktres. Iyon naman kasi ang kanyang pinakamimithi at sinabi nu’ng katatapos pa lang magpakasal nina Kristine at Oyo. Naranasan na kasi ng sikat na komedyante ang sobrang saya ngayong mayroon na siyang apo kay Danica Sotto.

Bago ang pagpapakasal nina Kristine at Oyo, napabalitang mayroong konting problema, na baka hindi kaagad magbuntis ang magandang aktres. Pero napaka-positibo ng kanilang mga paniniwala at sinamahan ng mga dasal, na kung gaano kaganda ang pagkikilala nina Kristine at Oyo na nauwi sa ligawan at relasyon na humantong na nga sa kasal, higit iyong magiging maligaya kung mabibiyayaan na kaagad sila ng anak. Iyon nga ang nangyari, kaya napakasaya ng pamilya nila ngayon.

Aminado si Vic na nakaramdam siya ng kakaibang lungkot nu’ng magkasunod na mag-asawa sina Danica at Oyo, pero tanggap niya bilang ama na iyon naman talaga ang normal na mangyayaring sitwasyon sa kanyang mga anak. Pero lalo namang hindi maitatanggi ni Bossing Vic, na sobrang kakaiba rin pala ang kaligayahan sa kanyang puso ngayong nagkakaroon na siya ng mga apo. Kaya excited na rin siya sa magiging panganay nina Oyo at Tin-Tin.

 

NU’NG WEDNESDAY MORNING, nag-text sa akin ang dating taga-adprom ng Seiko Films na si Mr. Jun Macarubbo bilang reaksiyon sa ating nasulat tungkol kina Jiro Manio, Baron Geisler, Angelo Ilagan, Daniel Figuerroa at Tita Gina Pareño na nalulong dati sa bisyo. Wika ni Macarubbo, mayroon pa raw isang dating sexy actor na alaga rin ni Direk Maryo J. delos Reyes ang diumano’y nawalan din ng direksiyon ang movie career nang dahil sa pagkalulong sa bisyo, at iyon ay si Poppo Lontoc.

Tinukoy rin ni Mr. Macarubbo, na kung mahirap ang pinagdaanan ni Gina Pareño tungkol sa isyu ng pagbabago mula sa pagbibisyo ng droga, mas matindi raw ang hirap na pinagdaanan ng dating beauty queen na si Miss Susan Henson, na umamin ding nalulong siya sa ganu’ng bisyo. Parang naniniwala nga ako na mahirap ang pinagdaanan ni Henson, dahil nitong huli na magparamdam siya sa showbiz at mag-guest nang live sa The Buzz, marami ang nawindang sa kanya, dahil kakaiba na siya. Sa interbyu sa kanya ay sumasagot siya ng mali sa itinatanong sa kanya. Hindi niya kayang kontrolin kung ano ang nasa loob niya, at iyon ang walang preno niyang sinasabi. Kaya ang ending, tinapos kaagad ang interbyu.

Maganda pa rin ang mukha ni Susan. Pero nag-iba na ang hugis ng kanyang katawan. Lagi na siyang nakapantalon, at parang tomboy na ang kanyang dating. Napansin nga iyon ni Manay Lolit Solis, na akala raw niya ay tomboy na si Henson. Kung sa hitsura ng mukha, pang-showbiz pa rin ang dating beauty queen. Kaya lang, parang gustuhin man niyang bumalik ay parang hindi na niya alam kung papaano. Ang huling pagtambay-tambay lang niya sa studio ng ABS ay gusto niyang makita si Kuya Boy Abunda. Parang natutuwa rin siya na makita ang kapaligiran ng showbiz.

 

PERSONAL: BELATED HAPPY birthday sa nirerespeto at mahal kong si Manay Lolit Solis. Ang wish ko lagi para sa kanya ay good health, dahil napakasaya ng showbiz kapag nasa paligid lang siya, na malusog, maingay, tsika ng tsika at tawa ng tawa.

Labyu, Manay!

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “On daughter-in-law’s prenancy: Vic Sotto is excited with the coming Oyo Sotto and Krtistine Hermosa’s baby!

  1. wow naman :) nakakatuwa naman na may baby na sila tin and oyo ♥ hays sila ang couple na kinaiinggitan ko!!! hays sana magka OYO din ako LOLS :P

  2. @ monina..ndi naman yta tamang isama mo sa usapan na ang pagkkaiba ng religion ang reason kung bak8 gnun ang behavior nina robin @ mariel…wla namang kinalaman ang religion dun.. Especially ang pa giging islam ni robin

  3. Congratulations pala kay Tin at Oyo. Siguradong pagka-ganda ganda o guwapo nang anak nila. Ganda ni Tin Tin.

  4. Si Binoe daw, may connection sa Vatican na makakatulong sa kanilang magpakasal sa Catholic church. ANO ITO, PUWEDENG IDAAN SA PALAKASAN? NAPRA-PRANING NA SI ROBIN. AKALA KO, BABAE LANG ANG DUMADAAN SA MATINDING MENOPAUSE. PATI PALA LALAKE. DI BA, ROBIN ?

  5. Tama ka Sarah Geromino.Mas kagalang-galang ang kilos nina Tin at Oyo kaysa Mariel at Binoe na palaging laman ng negatibong balita.Iyan talaga ang mahirap pag nagsama ang hindi pareho ng faith.Si Robin Islam si Mariel Katoliko whereas sina Oyo at Tin parehong Born-Again Christians kaya pareho sila ng values at faith.Nasa sentro talaga nila ang Dios kaya pati pananalita nila at kilos makikita mong may Dios talaga sa gitna ng kanilang pagsasama at tahimik pa sila pareho kasi pareho naman silang hindi uhaw sa publisidad.Kung may bagay na dapat i-share sa kanilang supporters tulad nitong pagbubuntis ni Kristine,hindi naman nila ito ipinagdadamot kasi alam nilang nakikidasal din ang kanilang mga supporters para magkaroon sila ng maayos na pagsasama at magkaroon kaagad ng anak.

  6. Hanga ako kay Tin Tin at Oyo. Mas mature at professional pa ang kilos nila kaysa kay Binoe at Mariel. Iyan ang manahin ninyong dalawa hindi ang kapalpakan lagi ang nababalitaan tungkol sa inyo. Tahimik lang si Tin at Oyo. Nakakatuwa.
    My respects to these two young love birds and congratulations.

Leave a Reply

Your email address will not be published.