On Claudine Barretto’s Kapamilya comeback

PINAG-UUSAPAN NA ngayon pa lang ang diumano’y napipintong pagbabalik ng Optimum Star na si Claudine Barretto sa bakuran ng ABS-CBN. Isa sa pinaka-pioneer celebrities ng Star Magic si Claudine Barretto. For a time, siya rin ang namayagpag na ‘Teleserye Queen’ ng Dos. Lahat ng pelikula niya under Star Cinema ay certified blockbuster hits. Maganda, magaling umarte at may dating. Sino ba naman ang hindi mabibilib sa isang Claudine Barretto?
Aminado ako na noong ako’y isang paslit pa lamang, big fan na ako ni Claudine Barretto. Nag-umpisa siya sa programang Ang TV at lumabas din siya sa ilang teenybopper flicks. Natatandaan ko pa nga na si Isko Moreno ang isa sa mga una niyang naging ka-loveteam on the big screen. Napatunayan ang kanyang charisma among the teen fans nang mag-hit ang barkada film na Pare Ko. Dito sila nagkadebelopan ng ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez. Sila rin ang bida sa teen romance film na Mangarap Ka. Nagkaroon sila ng problema hanggang sa nagkahiwalay na nga ng landas.
Eventually, pinagsama for the first time sa big screen ang baguhang commercial model turned actor na si Rico Yan at young actress on the rise na si Claudine sa Radio Romance. Dahil natural ang kanilang chemistry, binigyan sila ng break ng Dos sa classic primetime series na Mula Sa Puso. Ka-love triangle din nila rito si Diether Ocampo.
Onscreen man or offscreen ay patok na patok ang Rico-Claudine tandem.
Marami ang nabigla nang mag-desisyong lumipat sa Siyete ang Optimum Star. Siguro ay nainip ito dahil wala pang nilalatag na bagong proyekto para sa kanya. In fairness to GMA-7, binigyan naman nila ng importansya si Claudine. Nagkaroon ito ng weekly drama anthology at nagbida sa shortlived fantaseryeng Iglot. Gayunpaman, halatang lumamlam ang karir ng misis ni Raymart Santiago.
Nagkaroon noon ng tsika na bibigyan diumano ng Viva Films ng reunion project sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto. Kasama pa nga raw nila dapat si Heart Evangelista rito. Sayang, at mukhang na-shelved ito.
Ang latest tsika ay may planong movie project si Direk Wenn Deramas for Clauds. Maraming kinasangkutang kontrobersya si Claudine in the past three years, pero panahon na siguro para mag-move on. Siguro, kailangan lang bumalik ni Claudine sa kanyang original ‘home’. Will ABS-CBN open their doors for her again? I personally hope yes, dahil malaki Rin naman ang nai-contribute ni Claudine sa istasyon during her prime years.
Mga Kaparazzi, ano ang inyong take sa usaping ito?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

13 thoughts on “On Claudine Barretto’s Kapamilya comeback

  1. so happy na magbabalik kapamilya na si claudine!!! i love her kahit anong mangyari forever claudine barretto fan ako shes still the best and nothing beats her!!!

  2. Khit anong gwin ni claudine..nkdikit n s knya yun kmalditahan n gnwa nya sa airport..judy ann stikl the best compare to claudine…

    •  hello??why do you have to compare claud to judy ann??they have their own issue..remember?kinasuhan si juday ng BIR??..weather weather lng yan…tsaka bakit ba comment ka pa e anti claudine ka naman..bakit ka affected? di ba??

  3. di dapat sila sharon din kung pababalikin nila inggetera naman yan nai-insecure siya sa iba pati kay juday si juday dapat ang tawaging “teleserye queen” dahil magmula bata palang si juday gumagawa na siya nang teleserye katulad nang ula hanggang sa habang may buhay at parating nauungusan ni juday si claudine barretto sa mga acting awards naging best actress si juday at malinis ang pangalan ni juday at walang tinatapakang tao at totoong -tao di naman magaling umarte si claudine punga siya kung mag-salita di tulad ni juday tulo talaga ang luha niya para siyang nora aunor kahit sino ang kapartner ni juday sumisikat sa kanya at kung sino ang kapartner ni juday kapartner din nang iba at tsaka kahit bumalik si claudine wala nang manonood sa kanya dahil alam na nang lahat kung ano ang tunay niyang ugali maldita siya at mataray.

    •  ikaw ang maldita inngitira..walang ginagawang masama sa yo si claudine..how sure are you ba na  na ganon kalinis si juday??knowing na kinasuhan sya ng BIR??aminin mo man o hindi juday is not perfect…hello??wake up girl!!!!

  4. ANO BABALIK ANG OPTIMUM NEGASTAR? HAHA! KAKALOKA HUH! WAG NA NOH! SAAN SIYA SISIKSIK DUN AT WALA NA NAMAN SIYA BABALIKAN DUN HAHA!

  5. the nerve naman siya kung magdemand pa siya na bida siya sa isang teleserye o pelikula ha…lahat ng teleserye niya sa nilipatan niya eh FLOP

  6. ano ang masasabi ko? HUWAG NA SIYANG BUMALIK! engrata siya…puwede siyang bumalik siguro pang supporting na lang siya ng mga young actresses ng kapamilya network…

  7. Even the brightest stars BEFORE who trys to leave ABS have had poor careers when leaving the MOTHER STATION (ABS). Nagpapatunay lang that it is the Station that gives you all the tools to make millions of money and ofcourse Talent will have to come with it. So eto na… ALL OF THEM WILL DO WHATEVER IT TAKES TO COME BACK!!! SHARON, LORNA, CLAUDINE, WILLIE AT IBA PA.. TOO BAD!!! GO KAPAMILYA- LUV YOU FOREVER!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.