Ombudsman: Oposisyon, Admin Solons, Kakasuhan Kung May Basehan

UMALMA SI Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa mga alegasyong ginagamit lamang ang kanilang tanggapan para habulin ang mga nasa hanay ng oposisyon at isalba ang mga kaalyado ng Administrasyong Aquino.

Iginiit ni Morales na objective ang kanilang trabaho at wala silang pinangingilagan sa mga sisiyasatin at sasampahan ng kaso.

Nilinaw rin nitong hindi maituturing na ebidensya ang inilabas na ulat ng CoA kaya hindi pa sila makapagsampa agad ng kaso.

Samantala, may inihahanda umano silang silid na puno ng mga ebidensya kaya tiyak na may mga makakasuhan nang malakas na reklamo at hindi ito mauuwi lamang sa basurahan dahil sa depektibong basehan.

Sa kabilang dako, hiningi na rin umano ng Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council (IAAGCC) ang tulong ng Securities and Exchange Commission (SEC) para i-validate ang mga dokumentong kailangan sa naturang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.