OMB Chairman Ronnie Ricketts, Tuloy ang Trabaho Kahit Pasko!

NAKAKATUWANG MAPANOOD sa telebis-yon na kahit Pasko, ay tuloy pa rin ang trabaho ni Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts. Inikot niya kasama ang kanyang mga tauhan ang maraming sinehan noong opening day ng Metro Manila Film Festival para masigurong walang namimirata sa mga pelikulang kalahok sa taunang festival.

Tagumpay naman ang nasabing pagpupursige ni Chairman dahil hanggang sa ngayon ay walang mga pirated films mula sa MMFF entries ang nakikita namin sa mga bentahan ng DVD.

Congrats OMB!

 

NAKAUSAP NAMIN si Carla Abellana noong gabi ng parangal ng MMFF, sa after party ng Asiong Salonga at malaki ang panghihinayang niya na na-disqualify ang YTT sa ilang major awards sa gabi ng parangal.

Aniya, “Nakakalungkot dahil pinaghandaan namin. Hindi lang naman ako… all the other artist, si Lovi (Poe), si Jericho (Rosales)… lahat kami, nakapaghanda na. So, nakakalungkot…”

Malungkot man, masaya naman ang Kapuso actress na ang isa pa niyang entry sa MMFF na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay humakot ng awards.

Kuwento pa niya, “Siyempre gusto kong tumayo at pumalakpak, gusto kong magbigay ng standing ovation sa Asiong Salonga, pero online na lang akong naki-update sa pangyayari. Napakasaya, hindi ko man napanood, wala man ako doon sa awards night… ang puso ko ang bilis-bilis (ng kaba). Tapos ‘yung tiyan ko, kumukulo sa kaba at sa excitement. So masaya ako, dahil finally nabigyan ng recognition ‘yung ganito kagandang pelikula.”

Congrats sa Manila Kingpin!

 

HINDI KAMI masyadong aware sa mga recent showbiz balita nitong katapusan ng Disyembre dahil nga sa espesyal na araw namin at sa pagsalubong sa bagong taon. Pero nitong umaga ng January 2, 2012, nang magbukas kami ng online portals ay bumungad sa amin ang balitang may kumalat ngang sex video sina Janelle Manahan at ang namayapa nitong boyfriend na si Ramgen Revilla.

Hinanap agad naming ang naturang video sa google at true enough, andami na ngang link sa naturang video scandal.

Hindi namin lubos-maisip kung sino ang may pakana ng pagpapakalat nito, parang ang dating sa amin ay ang paglapastangan sa namayapang kaluluwa na ng binata.

Marami ang kumondena sa naturang pagpapakalat nito at sa ngayon nga ay iniimbestigahan na ng NBI kung sino ang nag-upload nito. Sana mahuli na ang culprit na nag-upload ng video.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “OMB Chairman Ronnie Ricketts, Tuloy ang Trabaho Kahit Pasko!

  1. on feb 23, 2012 metro manila  center makati city will shake up rock by magnitude 9.4 earthquake this is a warning in last year someone predicted a super typoon falls in philippine and its come true in ilagan in cdo see nostra u know it

Leave a Reply

Your email address will not be published.