Oktubre 31, hindi holiday – Palasyo

NILINAW NG Palasyo na hindi holiday ang Oktubre 31, Huwebes, taliwas sa kumalat na balita sa mga social networking site.

Naglabasan ang mga maling anunsyo na idineklara ring holiday ang Oktubre 31 para mabigyan ng sapat na oras ang mga bibiyahe pauwi ng mga probinsiya.

Samantala, ang idineklara lamang na special non-working day ay ang Nobyembre 1, All Saints’ Day at Nobyembre 2, All Soul’s Day para makapiling at ipagdasal ang mga mahal sa buhay na namayapa na.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.