Okay pa rin kay Vina Morales ang kissing scene kasama si Robin Padilla! – Pilar Mateo

NAGBABALIK NA RIN sa eksena si Vina Morales pagkatapos niyang ipanganak si Ceana na six month-old na ngayon.

Kahit na kinakabahan ang bagong mommy sa magiging “separation anxieties” na daraanan niya sa saglit na pagkawala niya sa tabi ni Ceana, kailangan din daw ni Vina na magsakripisyo para sa kinabukasan ng anak.

Ipinakiusap ni Vina na huwag na lang munang pag-usapan ang Daddy Cedric ni Ceana dahil may pribado pa rin daw itong buhay at hindi naman kailangan pang makaladkad ito sa mga usaping showbiz.

Sinunod naman namin ang request ni Vina kaya ang pinag-usapan na lang namin, eh, ang napabalitang magbabalik-Kapamilya na si Robin Padilla, na minsan na ring nagkaroon ng puwang sa kanyang puso.

[ad#post-ad-box]

At kung muli raw silang pagtatagpuin ng kapalaran ngayon para magkatrabaho sa ABS-CBN, eh, welcome naman daw ito sa kanya.

Okay pa rin ba na magkaroon sila ng mga kissing scenes?

“P’wede naman . Ever since naman, e, never kaming nagka-problem ni Robin,” sabi pa ni Vina.

ACCORDING to Priscilla Meirelles, (na bagong miyembro ngayon ng Star Magic ng ABS-CBN and being managed by Wyngard Tracy), there was a time sa relasyon nila ni John Estrada na kagyat silang nag-cool off nang umuwi muna siya sa pamilya niya sa Brazil.

Ang usapan daw kasi nila, kung hindi rin lang naman sila magkakasama sa isang lugar, e, malamang na hindi nga magwo-work ang kanilang relasyon.

Pero dahil mas nanaig ang pagmamahalan nila sa isa’t isa, nagawa naman ng dalawa ang mag-soul searching sa isang trip nila sa Hawaii at sa Tampa, Florida, USA  at noong July nga, nag-propose na sa dalaga si John with a matching engagement ring.

Sa isang trip pa nga raw nila ni Priscilla ay ginulat na lang daw siya sa ipinadalang bouquet of flowers ng romantikong si John.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ni Priscilla ang maging matatas sa pagsasalita ng wikang Filipino para nga mas dumami pa ang proyekto niya sa ABS-CBN at pati na sa Star Cinema.

NAKAUSAP ko nang mapasyal ako sa Klownz, Quezon Avenue ang namuno sa paghuli kay Rowena Pulmano, ang PA na kinasuhan ng qualified theft nina Jennylyn Mercado at manager niyang si Becky Aguila.

Nasakote nga ng mga tauhan ni Col. Mar Pedrozo (ng Quezon City Police District) ang diumano’y pinagtataguan ni Mel at ng asawa at pamilya nito sa Lot 3 Blk. 14 Barangay Uno, La Casa Via sa San Mateo, Rizal.

Sa hindi kalayuang lugar na ‘yun lang daw nanirahan sina Mel mula nang masampahan ito ng kaso ng kampo nina Jennylyn.

According to Col. Mar, hindi naman daw nagsalita si Mel nang hulihin nila. No bail ang warrant na ipinataw sa kanya sa nagawang qualified theft kina Jen at Ms. Becky,

Nagpapasalamat naman siyempre si Tita Becky at ang kanyang alagang si Jen sa paghuli kay Mel although hindi maalis ang pag-aagam-agam kay Jen na aminadong natatakot pa rin dahil baka buweltahan siya ng kampo ng dati niyang PA.

Sabi naman ni Tita Becky, sa korte pa rin daw sila magkikita-kita kapag sinimulan nnga muling dinggin ang nasabing kaso.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Okay pa rin kay Vina Morales ang kissing scene kasama si Robin Padilla! – Pilar Mateo

  1. eto na naman si vina, gagamitin sa publicity ang walang kamuwang muwang na bata. at isasama pa ang mga kissing scene nila daw (kuno) ni robin. puweh mag iba naman kayo ng gimmick.

    at si jen naman, lalabas din at lalabas ang totoo.

  2. hindi kaya takot lang si jen na magsabi ng totoo na si becky ang nagnakaw ng pera niya at napagutusan lang si mel? takot lang kasi ang mga alaga ni becky na mabunyag ang mga baho nila na si becky lang ang nakakaalam.

    • maybe yes…kc nagkaroon nrin cla ni gel ng
      prblem. regarding din sa pera..kya nging auditor na ni gel ngayon ang knyang ate ba un?

      may pera kc ang klaban ni mel d gaya nya dba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.