Oil Price Hike; Mahihirap na Pinoy, Tataas Din

SA PLANONG pagpapatupad ng bigtime oil companies sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, hindi rin malayong lalo pang tumaas ang bilang mga Pinoy na maghihirap sa bansa.

Ito ang isinalarawan sa Kamara ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, ang mga oil companies ang tunay na nagpapahirap sa mga Pilipino dahil mas madalas ang mga ito na magtaas ng presyo kumpara sa pagpapatupad ng oil price hikes, kaya lalong dapat maa-myendahan ang Oil Deregulation Law at suspendehin muna ng gobyerno ang pagkolekta ng buwis sa nasabing industriya sa lalong madaling panahon.

“Tingin ko, sila na talaga ang dahilan kung bakit parami nang parami ang naghihirap. Tumataas din ang presyo ng mga bilihin dahil sa kanilang kagagawan,” ani Tiangco.

Hindi lamang umano rito sa Pilipinas nagpapahirap ang mga oil companies kundi sa ibang bansa kaya lalong lumalala ang kahirapan sa mundo sa kasalukuyan, ayon pa sa mambabatas

Dagdag pa ni Tiangco na nararapat nang seryosohin ang panukalang amyendahan ang Oil Deregulation Law at isabay ang pagkuwenta kung magkano ang overprice sa mga produktong petrolyo upang maibalik ito sa taumbayan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.