OIL COMPANIES, BUBUSISIIN NG KONGRESO

PINAKIKILOS NG ILANG kongresista ang Department of Energy (DOE) upang mahigpit na maipatupad ang oversight powers nito laban sa posibleng pag-abuso ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Kasunod ito ng panibagong bugso ng pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo sa katuwirang nalulugi na umano ang mga oil players.

Pero binigyang-diin ni Ang Kasangga Partylist Representative Teodorico Haresco na lumalabas na niloloko lamang ng mga kumpanya ng langis ang taumbayan dahil sa napaulat na 59% na inilobo sa kita ng Petron mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon.

“Which is which? Are they really absorbing losses and that’s why they are increasing oil prices or are they raking in profits? These oil companies are becoming too inconsistent. Halatang niloloko na tayo ng mga ito,” ani Haresco.

Malakas pa umano ang loob ng mga kumpanya ng langis na magyabang ng malaking kinita habang pinipiga at sinasamantala ang publiko. “This is unconscionable. These oil firms still have the gall to announce that they are making so much profit while they continue to squeeze our people dry,” dagdag ng mambabatas.

Hindi naman kinagat ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles ang alibi ng oil companies na ang nalalapit na panahon ng taglamig, na nangangahulugan ng malaking demand, ang sanhi ng pag-angat ng presyo ng langis.

Ayon kay Nograles, dinedma naman ng mga ito ang patuloy na pagbulusok ng dolyar kontra sa piso na siyang dapat na batayan ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

Kasabay niyan, ipinanukala ni Haresco ang agaran nang pagrepaso sa umiiral na Oil Deregulation Law upang madagdagan ang ngipin nito, partikular na ang probisyon hinggil sa oversight function ng gobyerno, gayundin ang pagbuo ng muti-sectoral panel at malinaw na batayan ng katanggap-tanggap at makatuwirang price adjustment ng mga produktong petrolyo. (ANTAX EMPLEO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.