OIC ng Caloocan City Jail, sibak sa puwesto

SINIBAK NG PAMUNUAN ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang officer-in-charge ng Caloocan City Jail, matapos umanong mahulihan ng cellphone ang tatlong bilanggo sa loob ng nasabing piitan.

Si J/ Supt. Hilbert Flor, OIC ng CCJ ay napunta sa Central Office at pumalit sa kanya ay si .si J/ Supt. Baby David Montalbo na dating jail warden sa Camp Bicutan Jail.

Naging kontrobersiyal si Flor nang mahulihan ng cellphone ang tatlong preso sa CCJ matapos ang sorpresang grey hound operation ng BJMP.

Natakasan din ng preso si Flor nang warden pa ito sa Pasig City Jail.

Base sa nakalap na ulat, malakas umano si Flor kay BJMP director Lauro Dial kung kaya’t inabot pa ito ng ilang buwan sa CCJ, sa kabila ng mga isyung kinasasangkutan.

Umaasa ang CCJ, lalo na ang mga preso na manunumbalik ang maayos na pamamalakad sa loob ng nabanggit na piitan sa pagdating ni Montalbo.

Dalawang taon na nakuha ng Caloocan City Jail ang Best Jail Warden sa buong  National Capital Region (NCR) sa panahon ni J/ Supt. Lyndon Torres.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.