Oh, Pag-Ibig: “Balang araw, darating din ‘yun sa akin!”- John Lloyd Cruz

John Lloyd Cruz with Sarah Geronimo

ISA SA mga very elusive at very eligible gentleman natin sa showbiz ay si John Lloyd Cruz. Baka nga numero uno pa ito sa listahan.

 
Kahit noon pa man, madaming mga female celebrities tayo na gusto siya maging “boyfie”. Mapa-artista man, fashion model, society girl o di kaya’ý simple lang ang pinagmulan, madami ang nangangarap na someday ay magkaoon sila ng chance na makilala si Lloydie at magkaroon ng relasyon.
 

 

Sayang nga sila ni Angelica Panganiban. Akala ng marami ay tuloy-tuloy na ang kanilang relasyon at walang nag-akala na magkakaroon pala ng ending.

 
Mula nang maghiwalay sila ni Angelica “very much single” pa rin si Lloydie  na ilang taon na din na naghihintay ng sa ”kanya”.
 
Sa latest tambalan nila sa big screen ni Sarah Geronimo via the film “Finally Found Someone” ni Direk Theodore Boborol, ay may kakaibang kiliti pa rin sa mga fans ang dalawa. Iisipin mo, what if kung si Sarah ay hindi committed? Pwede kaya maging sila?
 
Sayang nga lang, si Sarah may boyfriend na sa katauhan ni Matteo Guidicelli while ang aktor, 100% na available pa rin at naghihintay ng para sa kanya.      
 
Hindi ko nga alam kung sa estado ni JLC ay naghahanap siya ngayon ng girlfriend o babae na mamahalin niya for good para magbuo sila ng sariling pamilya or baka wait na lang siya at bahala na si Batman.
 
Sabi ng aktor tungkol sa babaeng tunay niyang makakasama habang buhay: “Hindi mo malalaman na you finally found someone na eh. Mafi-feel mo na lang ‘yun. Balang araw sana dadating din ‘yun sakin,” pahayag ng aktor.
 
Mas may kilig ang bagong pelikula nina Lloydie at Sarah na mapapanood na sa July 26 sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.