Ogie Diaz at Melissa Ricks, pasok sa YouTube channel na Chicken Pork Adobo

Ogie-Diaz-Melissa-RicksMAY BAGONG channel na ini-launch ang ABS-CBN at mapapanood ito sa YouTube. Ang tawag dito ay Chicken Pork Adobo na isang multi-channel network, kung saan p’wedeng sumikat at bumida ang iba’t ibang creators na maaaring walang pagkataong lumabas sa TV.

Magsasama-sama sa channel na ito ang iba’t ibang personalidad na may kakaiba, nakaaaliw, at orihinal na materyal na tatangkilikin ng dumaraming mga Pilipinong nanonood ng videos online.

Sa ngayon, mayroon nang 90 creators ang Chicken Pork Adobo na may kanya-kanyang YouTube channels na sakop ang iba’t ibang tema o paksa: toys, fashion, comedy, music, lifestyle, blogs, entertainment, arts and crafts, food, parenting, at inspirational.

Magiging part din ng CPA channel sina Ogie Diaz at Melissa Ricks. Si Ogie ay maglalagay ng video tungkol sa showbiz. “Pero hindi lang limited sa showbiz, ha, basta kung anu-ano pa ang mapapanood nila sa channel ko,” sey pa niya.

Melissa will upload naman ng video about parenting.

Ngayon ko lang nalaman na ang Kids’ Toys pala ang may pinakamaraming subscribers at views sa lahat ng channels sa ilalim ng Chicken Pork Adobo. Bida rito ang magkapatid na Faye at Laurice Tendilla na nagbubukas ng mga bagong laruan sa kanilang videos. Inilunsad ito noong May 2012 at ngayon ay mayroon nang 1.14 milyong subscribers at halos 1.5 billion na views. Grabe!

Samantala, bahagi rin ng Chicken Pork Adobo ang creators na sina Lloyd Cadena, isang sikat na YouTuber na naging popular dahil sa kanyang nakatatawang videos tungkol sa pag-ibig, eskuwela, at parody videos; “The Soshal Network”, na pinagbibidahan ng tatlong abogadong may nakaaaliw na komentaryo; at ang “Plump Pinay” ni Cai Cortez na itinataguyod ang pagiging komportable sa sariling katawan.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.