Ogie Diaz, aprub na si Enrique Gil ang leading man ni Liza Soberano sa Darna

I’M SURE super happy ang mga fans nina Liza Soberano at Enrique Gil sa lumabas na balita yesterday na si Quen ang magiging leading man ni Liza sa pelikula niyang Darna.
 
As of this writing, wala pang formal announcement ang Star Cinema kung sino talaga ang magiging kapareha ni “Narda” as the human karakter ni Darna kung ang pagbabasehan natin ay ang traditional Mars Ravelo storyline na si Narda (isang PWD na naka-saklay) ay magkakaroon ng superpower at nagta-transform into our own and  local  superwoman na kapag isinubo ang ‘magic” baton na inaabot ng nakababatang kapatid na si Ding ay nagiging “Darna” si Narda.
 
Sa cinema teaser ng Darna na napapanood ko noong hindi pa ina-announce na si Liza ang gaganap, hindi ipinapakita ang mukha ni  Darna na sa hubog ng katawan ang hula ng nakararami ay si Angel Locsin nga yun.
 
Seksi kasi ang torso ng Darna na ipinapakita.
 
High tech ang short teaser na kami man na sa kapirangot na patikim ay biglang na-excite.
 
Sa short messenger chat namin ng manager ni Liza na si Ogie Diaz this morning, hindi pa daw niya nababasa yong istorya na lumabas yesterday sa Philippine Star kung saan doon namin nabasa ang titulo na si Quen ang gaganap na leading man ni Liza sa pelikula.
 
Sabi  ni Ogie sa amin tungkol sa lumabas na balita: “Ah hindi ko alam, eh. Si Darna lang ang alam ko. Si Ding nga ndi ko alam kung sino dahil ang alam ko may pa-go see sila. Pero bagay doon si Tristan as Ding, yung bata sa La Luna Sangre. Ang cute!!” reaksyon ni Ogie.
 
May dagdag siya: “Pero kung bibigyan talaga ng love interest si Liza, may iba pa ba, eh tried and tested na ang LizQuen? Tama!dbye”?

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.