Ogie D Production, may acting workshop ngayong summer sa pamamahala ni Direk Emman dela Cruz

Ogie D Production, may acting workshop ngayong summer sa pamamahala ni Direk Emman dela CruzHindi lang komedyante at artista sa telebisyon, tulad ng sa sitcom na “Home Sweetie Home” with John Lloyd Cruz at ng bagong romcom na pelikula, ang kaibigang Ogie Diaz.

Bukod kasi sa pagma-manage sa career ni Liza Soberano, na katuwang siyempre ang Star Magic at ABS-CBN, nagbuo ng talent management company si Ogie na pinangalanan niyang Ogie D Production.

Kabilang sa mga talent na pinamamahalaan niya bukod kay Liza ay si Ysabel Ortega at Anjo Damiles.

Kaya para makahanap siya ng mas maraming talent at makapag-train na rin ng mga bagito na gustong pasukin ang showbiz, nag-o-offer ng acting workshop ang Ogie D Production.

Last weekend (Saturday and Sunday) may bagong batch ng mga nangangarag na umarte sa telebisyon at pelikula, na pinamahalaan ni Direk Emman dela Cruz, direktor ng happy and gay themed film na “Slumber Party”, kung saan kabilang sina RK Bagatsing at Niño Muhlach.

Sa mga interesadong maging part ng acting workshop, please email: [email protected] para sa detalye at workshop schedules for summer.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleSosyalerang aktres, muntik nang hiwalayan ng negosyanteng asawa;
napigil lang ng tangkang suicide ng nag-iisang anak
Next articleLolit Solis, kinumpirmang sisibakin na ang kanilang showbiz talk show

No posts to display