Ogie Alcasid, sinusuyod ang mga probinsiya para makatulong sa kababayan

TUWANG-TUWA SINA Mayor Herbert Bautista, Andrew E., Ogie Alcasid at Dennis Padilla, dahil nakarating sa kanilang kaalaman na aliw na aliw ang Presidente ng ABS-CBN na si Ma’m Charo Santos sa pelikula nilang “Raketeros” na showing na on Aug. 7.

No, hindi po ang Star Cinema ang producer. Ito lang po ang magdi-distribute ng pelikula, kaya bugbog sa promo ang ABS. Ang producer po nito ay ang Heaven’s Best.

“Nako, Gie, panoorin mo ‘yung eksena ni Tsong Joey Marquez, nakakatawa talaga. Pati eksena nila ni Janice de Belen. Walang eksenang hindi ka matatawa talaga, kaya nga tuwang-tuwa kami nu’ng malaman naming naaliw si Ma’m Charo, eh!”

Sige nga, na-curious tuloy kami. Papanoorin nga namin ito para malaman namin kung Best Comedy Director itong si Randy Santiago.

 

AND SPEAKING of Ogie Alcasid, alam n’yo bang sobra palang lapit ngayon kay Lord ang singer-composer? Yes, at talagang ikinuwento sa amin ni John Estrada kung paano binago ng Panginoon si Ogie.

“Sobrang tuwang-tuwa ako sa kaibigan kong ‘yan. Lalo na nu’ng nalaman kong nagpupunta pala siya sa iba’t ibang probinsiya at quietly, tumutulong siya sa mga kababayan natin, lalo na sa mga bata.

“Nagdadala siya ng mga doctor at nagpapakain siya sa mga less fortunate nating kababayan. Diyan ako bilib sa kaibigan kong ‘yan. Kasi, ‘yung iba, tutulong lang ‘pag me nakaharap na kamera, eh. Itong si tukayo mo, ayaw niya nang may kamera.”

Sabi nga raw sa kanya ni Ogie, “Minsan, sumama ka sa amin, ang sarap ng feeling nu’ng tumutulong ka sa kapwa, lalo na sa mahihirap!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.