Ogie Alcasid, sinabayan ang ‘kabastusan’ ni Janno Gibbs

Ogie Alcasid and Janno Gibbs

Ogie Alcasid and Janno Gibbs

In gay lingo, madalas nating marinig ang mga salitang “kembot” at “kembolar”. While existing na noon pa ang kembot, kembolar is a coined word that doesn’t have a clear meaning, o ginagamit in place of an appropriate word.

Ngayon, “nagkatawang-tao” na ang dalawang salitang ito sa katauhan ni Ogie Alcasid as Kembot at Janno Gibbs as Kembolar sa masayang baklaan segment na Maboteng Usapan in TV5’s newest comedy-variety show na “Happinas Happy Hour” sa ikalawang episode nito mamayang Gabi.

Not necessarily cross-dressers, mga beki ang karakter dito ng dalawang TV host/singer/comedian who grill a celebrity guest sa pamamagitan ng mga tanong na may pagka-kinky.

Between the two, mas kilalang “malaswa” si Janno Gibbs but Ogie Alcasid manages to crack open his prim and proper nutshell para makipagsabayan sa “kabastusan” ng una.

Kung sa pilot episode nito last Friday ay “hinubaran” ng dalawa ang dating sikat na adult film (teka, bakit hindi na lang kasi diretsuhing “porno”?) actress sa Japan na si Maria Ozawa, abangan tonight who Ogie and Janno will disrobe down to her naked glory, torno naman ngayon ng mestiza beauties na sina Margo Midwinter (ang Fil-Brit na ex-PBB housemate) at Janelle Olafson who get played around in Maboteng Usapan.

Sa Music Tambay Videos, street dance naman ang ipamamalas nina Ella Cruz at Yassi Pressman, while Empoy does a prankster in the segment S. Experiment (S for Social).

As for the gals and gays, huwag malungkot dahil talaga namang salivating ang kakisigan ng mga top hunks doon na sina Mark McMahon, Tom Esconde, at Brazilian na si DJ Luane.

Mamayang gabi na ‘yan only on TV5!

 

DISKARTE IS the name of the game—or virtue—na ipinamalas ng ilang mga tauhan sa “Ismol Family”.

Dahil matumal ang Oh Apol Bake n Bike Shop ni Mama A, she thinks of certain gimmicks to improve its sales. Kaso, nagdulot lang ito ng samaan ng loob.

Samantala, pinairal din ni Ethan ang “para-paraan” school of japorms in winning Yumi’s heart in an attempt para maungusan ang kanyang karibal na si Nathan.

Ganyan naman talaga kasiksik sa practical tips ang “Ismol Family”, worth the wait kung ano naman ang ibabahagi nito this Sunday na tiyak aabangan ng one year-old baby ni Ms. Marian Domingo ng GMA CorpComm na si Hariett Emily.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

One thought on “Ogie Alcasid, sinabayan ang ‘kabastusan’ ni Janno Gibbs

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.