Ogie Alcasid, pinagpantasyahan din si Alice Dixson

Ogie-AlcasidAYAW NANG pag-usapan ni Ogie Alcasid ang hindi natuloy na project sana niya sa TV5, ang soap na The Gift na dapat ay ili-line produce ng APT Entertainment. Nagbiro na lang ito sa press na nakatsikahan niya sa launching ng romantic-comedy series na Confessions of a Torpe with Alice Dixson, Gelli de Belen, atbp na kakausapin niya si Mr. Manny V. Pangilinan at itatanong kung bakit hindi natuloy kahit na nakapag-taping na sila.

Naka-focus daw siya ngayon sa dalawa niyang show na Tropa Mo Ko Unli at ito ngang Confessions of a Torpe.

Tsika pa ni Ogie, first time niyang nakasama sa show si Alice na mahusay rin raw sa comedy na sira rin daw ang ulo tulad niya. Wala raw kasi itong reklamo kahit na anong ipagawa sa kanya nina Direk Soxy Topacio at Topel Lee.

“Alam ninyo ba noon ay pinapantasya ko si Alice. Yes, true! Hindi naman ako malihim na tao. Katunayan nga, kabaligtaran sa tunay na buhay ang role na ginagamapan ko sa Confessions of a Torpe. Kasi noon kapag may gusto ako sa babae, ipinararamdam ko kaagad at hindi ko itinatago,”pagtatapat ni Ogie.

Samantala, wala namang naging problema or naging asiwa sila ni Gelli de Belen nang magsama sa show. Matatandaang nagkaroon ng hindi maganda sa pagitan nina Gelli at wife niya ngayon na si Regine Velasquez dahil na-link ito noon sa husband ni Gelli ngayon na si Ariel Rivera.

Matagal na raw ‘yun at masaya na sila sa kani-kanilang pamilya. Mula pa raw noon at hanggang ngayon ay hindi nawala ang pagiging magkaibigan nila kaya walang problema at comfortable silang magkasama sa isang show.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.