Ogie Alcasid, pinag-isa ang mga Kapuso at Kapamilya sa isang malaking proyekto! – Boy Abunda

KILALA TAYONG MGA Pinoy sa ating bayanihan spirit. Magkakaiba man tayo ng pinanggalingang rehiyon, relihiyon, kultura, social status, kasarian, edukasyon at paniniwala sa buhay ay makikita pa rin ang ating pagkakaisa lalung-lalo na sa gitna ng mga kalamidad. Filipinos remain resilient and hopeful at laging bumabangon pagkatapos ng mga pagsubok. Hindi natin iniiwan ang isa’t isa especially during trying times dahil sino pa ba ang magtutulungan kundi tayu-tayo rin!

Isa sa mga magagandang halimbawa ay ang charity/inspirational song na “Kaya Natin ‘To” written by singer/songwriter Ogie Alcasid para sa mga bikitima ng bagyong Ondoy at Pepeng. Ogie spearheaded this all-star collaboration with more than 80 OPM artists from various record labels who waived their fees and recorded the song. The music video premiered last Sunday on ASAP ‘09 and SOP.

Maliban kay Ogie, the other singers who unselfishly gave their precious time to the project include Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Erik Santos, Christian Bautista, Sarah Geronimo, Charice, KC Concepcion, Arnel Pineda, Yeng Constantino, Jaya, Jay-R, Kyla, Geneva Cruz, Jolina Magdangal, Agot Isidro, Rico Blanco, Karylle, Mark Bautista, Iya Villania, Aiza Seguerra, Richard Poon, Rachelle Ann Go and Jed Madela.

Aside from the CD, magkakaroon din ng concert titled “Pilipino: Kaya Natin Ito” on December 5 at the SM Mall of Asia. The proceeds of the CD and the concert will be given to Gawad Kalinga. By rebuilding the victims’ homes, we rebuild their lives, and ours.

Abala man si Ogie sa charity project na ito ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na um-attend sa kasal nina Michelle Van Eimeren at Mark Murrow. Lumipad sila kamakailan ni Regine patungong Australia para makibahagi sa masayang okasyon. They had a special participation in the wedding. Ogie hosted the reception while Regine sang Michelle’s favorite song “And I Love You So” during the wedding.

It’s nice to see that Ogie, Regine and Michelle have become good friends. Ogie and Michelle are responsible parents to their lovely daughters Leila and Sarah. Kahit hindi naging madali ang lahat para sa kanila noong una, ang importante ay masaya na sila ngayon sa kani-kanilang buhay.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Ogie Alcasid, pinag-isa ang mga Kapuso at Kapamilya sa isang malaking proyekto! – Boy Abunda

  1. tanong lng poh 22o poh na naka pirma na sa gma 7 si Claudine? sayang naman bakit sya hinayaan ng abs na lumipat binabayaan kasi sya ng dos…

  2. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published.