Ogie Alcasid, naudlot ang paglipat sa TV5?!

GAANO KATOTOO na hindi na matutuloy ang paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5? May nakarating kasi sa amin, pero wala pang kumpirmasyon sa dalawang TV network, GMA-7 at Kapatid Network.

Kasama pa rin daw kasi si Ogie sa ipapalit sa tsinuging Sunday show na Party Pilipinas sa GMA-7, ang Sunday All Stars na ididirek ni Rommel Gacho.

Nangangahulugan lang na kapag kasama pa rin si Ogie sa bagong Sunday show ng Kapuso Network ay magre-renew pa rin ito ng kontrata.

May nakausap kaming ilang taga-TV5 at kinumpirma rin ng mga ito na hindi pa rin daw sigurado kung magiging Kapatid na si Ogie.

Nakarating na rin daw sa kanila ang pananatili raw ni Ogie sa bagong Sunday show ng GMA7, ang Sunday All Stars.

Samantalang may nagtanong sa manager ni Ogie kung totoo ba na mananatiling Kapuso ang actor/ comedian/ singer/ composer.

Ang laging raw sinasagot ng manager ni Ogie ay ‘di raw puwedeng magbigay ng comment.

IKINAGULAT NI Sherilyn Reyes ang balitang ipinagdadamot daw niya ang anak niyang si Paoie sa ama nitong si Jun Jun Santiago na utol ni Raymart Santiago.

Ikinasal si Sherilyn kay Jun Jun noon 1997 at naghiwalay matapos ang apat na taong pagsasama at nagkaroon sila ng isang anak na si Reily Paolo or Paoie in short.

2008 napawalang-bisa ang kasal nila ni Jun Jun at December 2012 ikinasal muli si Sherilyn sa long tme boyfriend niya na si Chris Tan kung saan may dalawang anak na sila, sina Quirsten, 11 years old at si Anya Sabrina, 1 year old.

Ayon kay Sherilyn, kahit minsan ay ‘di niya inisip na pagbawalan ang anak nito na makita at makapiling ang tunay na ama.

“Noong una, natawa lang ako kasi parang “joke ba ito?” Pero noong may ilang tao na ang nagsasabi  sa akin, teka parang seryoso na ito?

“Tahimik ang pamilya ko. Hangga’t maaari, I don’t want my kids to be involved sa ganitong usapan. Nakapagtataka lang kung bakit may ganito ngayon.

“Hindi naman dapat, ‘di ba? I mean, puwede naman akong kausapin nang direkta at hindi na idaan sa ibang tao.

“Nakalulungkot kasi parang pinalalabas na may problema ako, na sa totoo lang walang problema at all,” say ni Sherilyn na super seksi pa rin at hindi nagbabago ang hitsura.

Sabi pa ni Sherilyn, never niyang ipinagdamot or pinigilan ang anak na si Paoie na makita ang tunay nitong ama. Lagi nga raw tinatanong ni Sherilyn ang anak kung gusto nitong puntahan ang ama. Pero ang bata na raw mismo ang tumatanggi.

“Hindi ko naman puwedeng pilitin ang anak ko sa isang bagay na ayaw pa niyang gawin, ‘di ba? Bilang ina naman, I want to protect my children.Pero never ko naman nagawang siraan kay Paoie ang tunay niyang ama.

“I never said anything bad against his father. Lagi ko sinasabi sa anak ko na sabihin lang niya kung kailan niya gustong makita ang daddy niya at ako pa ang magdadala sa kanya sa ama niya. I leave that decision sa anak ko. Ayokong makialam sa gusto niya. Nasa tamang edad na naman siya.

“If he feels na hindi pa siya ready to face his father, ‘di ko siya pipilitin. That’s my son’s decision na dapat ko lang igalang. Kaya unfair naman na sabihin na pinagdadamot ko ang anak ko. Hindi naman tama ‘yun, kasi  it’s not  true,” pagtatapos na pahayag ni Sherilyn.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

7 thoughts on “Ogie Alcasid, naudlot ang paglipat sa TV5?!

  1. una’t huli… ang mga nasabing programa ay hindi pagmamay-ari ng kahit sinuman sa dalawang networks, it’s under copyright sa mga may-ari nito, at kung bakit ireremake, dahil marami na sa bagong henrasyon ang hindi napanood ang mga kwentong ito at dahil marahil naniniwala ang produksyon ng ABS-CBN na maari din silang makagawa ng higit na mas magandang uri ng ganoong kwento. at siya nga pala, kung may utang man ang ABS-CBN, balita ko ay nagamit naman ito sa pagexpand ng kumpanya para sa ikabubuti ng kanilang paggawa ng kalidad na programa at pagpapalabas nga magandang klaseng mga palabas, eh ang GMA? anyare? 

  2. bakit kaya yung mga pnag lumaang mga soap/teleserye/fantaserye ng GMA7, ay muling ni re remake ng Katol Network, nyahahahah nagtatanong lang po ako, tulad ng Annaliza. Darna. Dyesebel.Captain Barbel , wala na bang maisip na original concept ang mga matatalinong writers ng Katol Network, nyahahaha at nang gagaya na lang sila,,sabi nila sila ang number one network..nyahahahah number one ba ang Network na nang gagaya lang ng mga shows, nag pa padding ng rating,,,at may 16 Bilyon plus na utang, nyahahahaha..kawawang Katol Network,,kaya pala yung Gabby Lopes ay tuluyan na raw nag resign sa Abs cbn,,,si manang Charo na ang hahawak ng manibela ng katol Network na BULOK,,nyahahaha

  3. sa Dyesebel kaya, ire remake din yun, ng Katol Network,,,baka naman piritahin nila si Marian,,nyahahah at siyang paganapin sa Darna at dyesebel nila,,,hahahah,,sa Darna dapat,,,,kung hindi si kim chui ay si cristine reyes,,,para isang lingo lang tigbak na agad sa ere, nyahahahaha,,,sa dyesebel…kung hindi nila mapirata si Marian,,,bagay si pokwang aswang,,,para maiba naman,,nyahahahah

  4. Hindi kaya nakakahiya ang gagawing ito ng katol Network, remake na nga uli ang captain barbel, na unang pinalabas sa GMA7, with richard, ngayon naman i re remake uli ng Abs, at si Richard uli ang gaganap, nyahahahaha,,wala na bang pwedeng maging Captain barbel na taga Star magic talents,,nyahahahah sabagay karamihan sa kanila ay paminta,,,si Richard tunay na lalaki yan,,walang bahid ng pagka bakla,,tunay na tunay,,nyahahahah, naisip ki i remake uli nila yung Mulawin,,tutal nandun naman si Angel.nyahahahah gaya gaya puto maya sa GMA7….wala na yatang maisip na original concept ang naluluging katol Network na ito,,nyahahaha

  5. yeheeeeey, may nakuha ng gaganap na Captain barbel ang Katol Network..kasado na po..si Richard gutierez, napirata na nila si Richard,  sabi ng mga fans ng Katol Network..bano raw umarte si Chard, nyahahahah bakit kinuha ni manang charo, at siya uli ang gaganap na captain barbel, nyahahaha

  6. hmmm… dapat lumipat na lang siya kasi siguradong hindi rin naman magtatagal at matsutsugi rin ang bagong show na kapalit ng party pilipinas haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.