Ogie Alcasid, nagpaalam na sa mga big boss ng Siyete

MUKHANG TULUY na tuloy na ang paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5, ha!

Narinig kong pinag-usapan sa taping ng Bubble Gang nu’ng nakaraang Lunes na darating daw si Ogie sa taping nila para magpa-dinner at pormal daw na magpaalam sa mga kasamahan niya sa naturang gag show.

Pero wala pang kumpirmasyon si Ogie, dahil wala pa naman daw siyang napipirmahan na kontrata.

Ang dinig ko, nagpaalam na rin daw si Ogie sa mga big boss ng GMA 7 kaya maayos naman daw ang pag-alis niya ng GMA-7.

May nakahanda na nga raw na programa na gagawin niya sa TV5.

Pero kuwento ng mga bading, ang dami na raw nagri-react sa paglipat ni Ogie dahil baka si Regine Velasquez na raw ang kasunod.

Alam ko malapit na ring matapos ang kontrata ni Regine sa GMA-7, pero wala pa naman siyang sinasabing susunod din siya kay Ogie.

Nairita na nga si Regine sa ibang nagkukomento sa pag-alis ni Ogie ng GMA 7.

Meron na siyang pinatulang fan na poser sa Instagram na kung anu-anong panlalait ang mga sinabi kay Ogie, kaya sinagot na ito ni Regine.

Tuloy naman si Regine sa taping ng Sarap Diva, pero hindi nga lang siya nakikita sa Sunday All Stars.

Kaya tingnan na lang natin kung ano ang plano ng Songbird pagkatapos umalis ni Ogie sa GMA-7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Ogie Alcasid, nagpaalam na sa mga big boss ng Siyete

  1. Hayaan na natin si Ogie. Sinabi naman nya na kailangan talaga ni MVP ang tulong nilang mag asawa para mapakilala at sumikat din ang TV5. Para makipag sabayan na sa GMA at ABS… Maayos naman nagpaalam si Ogie sa mga executives ng GMA at mga kasamahan nya sa GMA for long years. Hindi naman issue ke Ogie ang pera. Talaga lang hindi nya mahindian si MVP kasi nga sa lalim ng pag kakaibigan nila. Tignan natin at baka nga si Ogie ang makapagsalba ng TV5… We will miss Ogie in GMA. Goodluck Ogie & Regine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.