Ogie Alcasid, mabilis sa chicks

Ogie-AlcasidSA PRESSCON ng Confessions of A Torpe, agad naming tinanong si Ogie Alcasid kung torpe ba siya nu’ng kabataan niya gaya ng role niya bilang Tupe sa serye. Agad na humindi sa amin ang mahusay na singer.

Sa kuwento ni Ogie, ‘pag may nagugustuhan daw siyang babae ay hindi siya natatakot o nahihiyang iparating ang nararamdaman niya para rito.

Masaya sa tinatakbo ng kanyang career sa TV5, ‘di naman sinasabi ni Ogie na hindi siya naging masaya sa GMA dahil naging maligaya naman siya sa pagiging Kapuso sa loob ng napakaraming taon at napakalaki ng utang na loob niya sa pinanggalingan network. Pero nasa puso niya ang layunin na maging instrumento kung paano paangatin ang Kapatid Network bilang pangatlo ito sa nangungunang istasyon sa bansa.

Buo ang suportang binibigay sa asawang si Regine Velasquez sa pagpanaw ng biyenan na si Mang Gerry Velasquez, sa kuwento ni Ogie, nasa “mourning stage”, pa rin ang asawa pero unti-unti na nitong tinatanggap ang pagkawala ng butihing ama.

Makakasama sa Confessions of a Torpe sila Alice Dixson, Wendell Ramos, Gelli de Belen, Pilita Corrales, Albie Casiño, Mark Neumann, Jojo Alejar at Bayani Agbayani. Mapapanood ito simula  sa March 3 sa Kapatid network.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.