Ogie Alcasid, maayos na nagpaalam sa Siyete

MAAYOS NAMAN pala ang pagpapaalam ni Ogie Alcasid sa GMA-7 kaugnay ng kanyang paglipat sa Kapatid network eh. Halos dalawang dekada rin ang pinagsamahan ng GMA at ni Ogie, kaya hindi dapat nagsusunog ng tulay, ‘ika nga.

‘Yan din ang ipinangako namin sa aming sarili. Kung sakali mang tadyakan kami ng ABS-CBN balang-araw (thank God at wala pa naman akong nababanaagan ngayon) eh, maayos ang pag-alis namin at hindi para kagatin namin ang mga kamay na nagpakain sa amin.

Maliit lang ang mundo, ‘yan dapat ang paniniwala ng lahat. Sa liit, magkikita at magkikita pa rin kayo kahit hindi n’yo pa hilingin.

Marami kaming kilalang artista at personalidad na “sinagpang” ang kamay na nagpala sa kanila para pasilaw sa offer ng iba, pero nu’ng ma-realize nila in the end na nami-miss nila ‘yung network, ayan at hindi na sila nakabalik.

Lagi nating iisiping kung hindi natin kayang magtayo ng sariling network, huwag nang magmaldita at magyabang.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Ogie Alcasid, maayos na nagpaalam sa Siyete

  1. Ogie Alcasid, ito ang tunay na makatai, gentleman at professional. hanga ako sa yo Ogie Alcasid.. palibhasa me pinag aralan si Ogie… we will support you Ogie Alcasid!

  2. Bravo Ogie Alcasid!.. sna si Ogie ang gayahin ng lahat ng artista ng GMA ABS at TV5 in switching networks… look at GMA kahit iniwan na sila ni Ogie ay proud pa rin sila ke Ogie kasi nga maganda ang ginawa ni Ogie. hindi muna sya pumirma sa TV5 hangga’t hindi sya nakakapag paalam sa GMA. kinausap nya lahat ng big bosses at mga talents na nakasama nya sa mga shows nya sa GMA. kaya walang masama ang loob ke Ogie from GMA. lahat masaya for Ogie.

  3. tangina mo ogie alcasid!!! ang baho ng puki mo! hindi ka magwawagi kay juday bilang ang tunay queen of teleseryes HAHAHA

    wala lang, makagaya lang sa mga fantard dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.