Ogie Alcasid, itinangging nagbalak lumipat si Regine sa Singko!

NILINAW NI OGIE Alcasid na walang nangyaring pakikipag-usap sa kampo ni Regine Velasquez at TV 5 kaya unfair ang mga naisulat na chikang ang Asia’s Songbird ay nagbalak na naman daw layasan ang GMA-7 bago pa siya nag-renew ng kontrata sa Kapuso network. Ang inamin ni Ogie, nakipag-usap ang kampo niya sa isang meeting with Manny Pangilinan.

Pinagbigyan lamang niya ang pagkakataong ‘yun dahil kaibigan niya si Manny, ang big boss ng TV 5 ngayon na nagbabadya ng pagbongga sa mga darating na araw.

“Pero, hindi naman ibig sabihin, ikinonsidera na namin ang offer nila,” paglilinaw ni Ogie. “We were there for a courtesy visit, dahil naging ninong ko sa kasal (with Michelle Van Eimeren) si Manny, but other than that, we didn’t give a hint that we’re transferring.”

Stick sina Regine at Ogie sa GMA-7. Kahit nga noong mga sandaling ‘yun ay naghihingalo na talaga ang SOP, hindi naging dahilan ‘yun para layasan nila ang Siyete at lumipat na ng Singko.

Ipinaliwanag naman sa kanila ang mga pangyayari at naiintindihan nila, and they’re preparing para sa resbak nila sa Sunday noontime musical-variety arena via a new show entitled Party Pilipinas.

Hanggang sa mga sandaling ito, tikom ang bibig ni  Ogie sa mga sorpresa ng Kapuso network para sa show na papalit sa SOP, at inaasahang mas palalakasin ang partisipasyon nina Ogie at Regine dito.

TINANGGAP NAMAN DAW ni Ruffa Gutierrez ang apology ni Kris Aquino. After all what has been said and done, mukhang naayos ang gusot sa kanila. Pero hindi garantiya ito na mapapanood pa si Ruffa sa The Buzz sa darating na Linggo, pagkatapos ng kontrobersiyal na walk-out nito.

Marami na ang nakaladkad sa isyu. Pati ang mga kapatid ni Kris ay humalo na sa usapan, lalo na sa reaksiyon ni Annabelle Rama tungkol dito.

Sinabi pa ni Kris na ganoon na lamang daw siguro ang inis ni Annabelle sa kanya dahil sa openly ay sinusuportahan nila si Dingdong Dantes.

Ang feeling namin, lalong magngingitngit si Bisaya sa binitiwan nitong salita dahil ang alam namin, talagang negatibo ang dating ni Dingdong at ng kampo nito sa mga Gutierrez, hindi man sila hayagang magsalita tungkol dito.

Sabi ng iba, ever since, nagpaplastikan naman daw sina Kris at Ruffa. Kami naman, we beg to disagree. Although may mga bagay silang hindi napagkakasunduan, we feel that they’re sensible enough not to be affected personally.

Nakalulungkot ang nangyari kina Kris at Ruffa dahil kung mapakikinggan lang nila ang conversations between the two, taung-tao ang dating nila, and they speak on the same wavelength, which is a rare combination, kaya nga nag-click sila sa The Buzz, ‘di ba?

Oh, well. Mukha namang magkakasundo rin sila ngayong ang apology raw ni Kris ay tinanggap na ni Ruffa. D’yan na siguro matatapos ang kabaliwang ito.

Calm Ever
Archie de Calma

Related Post

loading...

5 thoughts on “Ogie Alcasid, itinangging nagbalak lumipat si Regine sa Singko!

  1. Nagpataas nanaman ng pResyo ang dalawang to. Dinamay pa ni reGine si oGie. Nagawa na ReGine to sa ABS-CBN. next cguro ay ang paglipat kunO nya sa RPN-9.

  2. MATAGAL NG TAPOS ANG ISSUE KAHAPON PA SA PEP .. EWAN KO BA KUNG BAKIT SA PARRAZI EH ISSUE PA DIN TO !!! IBIG SABIHIN BA NITO NI KAYO LATEST? TSE!

    • kaya nga nagco-comment TO BE HEARD, kasi panay pa rin ang press release nang dalawang matandang ito para mapag-usapan kasi wala nang mga concerts and albums!

      kahit saan pa sila lumipat wala na, hindi na nga nila na save ang sop, ayon nilibing na! bwahahaha! at ang next issue… BUNTIS? please, regine’s way close to become menopaused! bwahahahahaha!

  3. wala na bang ibang gimmick ang dalawan matandang mag lovers nato kundi ang lipatan issue, super gasgas na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.