Ogie Alcasid, itinangging may matinding depression si Janno Gibbs

ANG BESTFRIEND NI Janno Gibbs na si Ogie Alcasid na mismo ang sumagot tungkol sa isyung kinasasangkutan ng una na dumadaan daw ito sa matinding depression.

“Hindi totoo iyan. He’s okay,” sagot ni Ogie sa Startalk nang nakatsikahan ito sa birthday party ni Malou Fagar.

Medyo matagal-tagal din daw silang hindi nagkikita ni Janno pero nagtatawagan daw sila, nagti-text sa isa’t isa at madalas naman daw niya itong kinukumusta. Sinasagot naman daw siya ni Janno kapag kinukumusta niya at sinasabing okay naman daw.

Kaya pinasisinungalingan na ni Ogie ang kumakalat na balitang may matinding depression daw ngayon si Janno.

Bihira na lang nga itong napapanood sa Party Pilipinas, pero sey ni Ogie malapit na raw bumalik ang bestfriend niya. Abangan na lang!

May participation daw si Janno sa kanyang kasal at natitiyak naman daw niyang sisipot ito at hindi mahuhuli ng dating dahil nangako naman ito sa kanya.

Hindi na raw gaanong nati-tense ngayon si Ogie sa preparasyon ng kanyang kasal dahil medyo naayos naman daw lahat.

May mga konting aayusin na lang daw dahil sinisigurado lang daw nilang magiging maayos ang lahat at magiging madali para kay Regine. Siyempre, kay Regine naman daw ang araw na ‘yun kaya dapat magandang-maganda raw siya sa kanilang kasal.

EARLY NEXT YEAR naman daw ang kasal nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa at mukhang pinaghahandaan naman nila ngayon.

Kahit anong kulit mo kina Vic Sotto at Dina Bonnevie tungkol sa balak na pagpapakasal ng kanilang binata, ayaw na nilang magsalita. Mabuting hintayin na lang daw ang dalawa na mag-announce dahil mabuting sa kanila na mangyari.

Ang isa sa napagtanungan ng Startalk ay si Sen. Tito Sotto na kinausap naman pala nina Oyo Boy at Kristine para kuning ninong.

Natutuwa naman daw siya dahil may participation sa kasalang ‘yun, at hintayin na lang daw baka early part of 2011.

Mukhang maraming magpapakasal sa susunod na taon, at meron din akong alam pa na bukod kina Oyo Boy at Kristine.

Siyempre ayoko muna silang pangunahan, ‘no! Mababalitaan din natin iyan.

Siyanga pala! Nagkaroon na ng presscon ang Metro Manila Film Festival at medyo ramdam na natin dahil ilang beses ko nang napapanood ang teaser ng Si Agimat at si Enteng nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto.

In fairness, maganda ha! Mukhang nakakatuwang panoorin kaya nakini-kinita ko nang hit na hit ito.

May special participation din pala sa pelikulang ito si Oyo Boy, pero wa na talaga si Kristine dahil si Gwen Zamora na ang pumalit sa kanyang role.

Itong Si Agimat at si Enteng ang isa sa kaabang-abang na entry sa nalalapit na MMFF.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Ogie Alcasid, itinangging may matinding depression si Janno Gibbs

  1. Sayang ang talent nitong si Janno. I dont think GMA is giving him the right shows to really showcase his multiple talents like singing and comedy. I remember years back na his ex-wife? Bing Loysaga was asking him to move to ABS with better offers. Kung nakinig lang sana I think mas maganda sana ang takbo ng career niya.

    • maraming magagandang project ang ibinigay ng gma sa kanya…sya lng ang di nagpahalaga dito kht nmn cguro sinong boss ang magpahalaga sayo kung ikaw mismo ang hindi marunong magpahalaga sa mga biyayang ipinagkakaloob nila mapapagod din sila.
      kaya sayang tlga ang talent nya kc sya mismo ang nagsasayang nito.

    • ano naman kaya ang guarantee na kung lumipat siya sa dos ay gaganda ang career niya? si maricel soriano nga na di hamak na bigger star ay pinabayaan na ng dos eh. ikaw talaga bruhang jessica, para palabasin lang na maganda ang dos, ano-anong non-sense ang pinagsasabi. GAGA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.