Ogie Alcasid, hindi magre-retire: I will never stop being an entertainer

Ogie Alcasid

AYON kay Ogie Alcasid, hindi siya natatakot na dumating ang time na hindi na siya sikat at wala nang masyadong nakikinig ng kanyang musika.

“Hindi ako takot malaos. Kasi hindi naman yon yung… hindi ko nga alam na sisikat ako, eh.

“Sa totoo lang,  enjoy lang ako sa ginagawa ko. Tapos, sanay ako sa hard work kaya kung anuman, kung saan man ako ilagay okey lang, okey lang sa akin,” katwiran ni Ogie sa interbyu namin sa kanya.

Ogie is celebrating his 30th year in the business sa pamamagitan ng isang concert  sa Araneta Colisuem on Aug. 24 titled OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert.

Patuloy ni Ogie, “Darating yon, yung panahon na hindi ka na pinagkakaguluhan.  Darating yung panahon na pag pinakilala yung pangalan mo, yung palakpak mahina na, hindi nagtitilian.

“Darating yung panahon na ang billing mo, hindi ka na main, maliit na lang… alam mo yon? At medyo nararamdaman ko na rin minsan yon and it doesn’t bother me at all. Serious ako, ha… serious ako,”  pahayag pa ng singer-songwriter.

Pero wala naman daw siya planong mag-retire sa showbiz.

 “Hindi. I will never retire, hangga’t humihinga tayo,” diin niya.

“I will never stop being an entertainer coz that’s my life. Hindi ako mabubuhay ng walang ano… But I’ve to admit, mahilig akong magnegosyo,” dagdag niya.

 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.