Ogie Alcasid, bawal magsalita ng tungkol sa kasal nila ni Regine Velasquez

HINDI PALA MAAARING magsalita ang songwriter na si Ogie Alcasid tungkol sa nalalapit na kasal nila ng kanyang fiancee na si Regine Velasquez sa December 22 kapag ini-interview s’ya ng ibang media o press dahil daw sa exclusivity ng wedding coverage nila para sa GMA-7.

“Baka mademanda ‘ko,” sagot ni Ogie nang maka-chika namin s’ya sandali bago mag-perform sa Pamaskong Handog 2010 show ng PAGCOR sa Parañaque City nu’ng isang gabi.

Ikinuwento na lang ni Ogie na darating ang kanyang mga kapatid at ang kani-kanilang mga pamilya mula sa States na malamang ay para um-attend ng kasal nila ni Regine. Uuwi rin daw rito sa Pilipinas ang kanyang mga anak na sina Leila at Sarah kasama ang kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren na professional wedding stylist at flower arranger na raw, at ang bagong asawa nitong si Mark Murrow. After ng kanilang kasal at Pasko, nakatakdang pumunta sa Bohol sa December 26 ang bagong mag-asawa, kasama pa rin ang kanyang buong pamilya at mga anak, pati sina Michelle at Mark. “We love Bohol. Para makita rin nila ‘yung mga Tarsier,” kuwento pa ni Ogie.

Kaya rito lang sila sa bansa magpa-Pasko na talagang gusto naman ni Ogie. “Kasi lagi na lang din kaming nasa Australia. Iba ang Pasko rito sa atin. Iba ang festivities. Gusto kong hindi mawala ‘yon sa mga anak ko. Maganda rin na makita ng mga anak ko ang situwasyon dito sa Pilipinas. At hindi sa nagpapaka-corny ako, ha? Pero ang mahalaga talaga, alam natin ang reason ng Christmas, si Jesus Christ,” sagot ni Ogie.

Hindi raw matandaan ni Ogie kung anong regalo sa kanya ni Regine last Christmas, dahil lagi naman daw s’yang binibigyan ng regalo ng kanyang kasintahan. Singsing naman daw ang Chistmas gift n’ya kay Regine last year, pero hindi n’ya maalala kung ilang carat. Basta, para kay Ogie: “Regine is a blessing to me, in my life, and to my family.” Kaya okay lang sa kanya kung inamin ni Regine na nag-li-live in na sila. “Eh, totoo naman ‘yon. Ano pa’ng ire-react ko ro’n?” diretsong sagot ni Ogie.

Bilang pangulo naman ng OPM o Original Pilipino Music, magtutulungan daw sila ni Bong Quintana, PAGCOR vice president for entertainment and long-time partner of King of Talk Boy Abunda, sa pagdiskubre ng mga bago at magagaling na singers sa ilulunsad nilang search sa mga PAGCOR branches starting early next year na ang finals naman daw ay sa June 12, 2011.

KUNG HINDI KAMI nagkakamali, December 7 ang birthday ni Derek Ramsay. Pero December 8 na ito nakauwi ng bansa kasama ang girlfriend na si Angelica Panganiban galing Australia para sa isang trabaho, kasama ang iba pang stars.

Pero masayang nag-celebrate pa rin daw ang mag-dyowa pagkauwing-pagkauwi nina Derek at Angelica sa Pilipinas sa bahay ng aktor with some of their showbiz and non-showbiz friends.

Ano kaya ang birthday gift ni Angelica sa Papa Derek n’ya? Ating alamin.

GUSTO RAW MAPANOOD ni Mother Lily ang U.S. TV series na The Good Wife na pinagbibidahan ni Julianna Margulies bilang isang top lawyer, dahil nai-suggest daw sa kanya ng aming kapatid sa panulat na si Julie Bonifacio na kung sakaling magbabalik-pelikula sa Regal Films ang original Regal baby na si Maricel Soriano, mukhang babagay rito ang role na ‘yon at maaari pa itong umani ng awards.

Sana nga ay makagawa na ulit ng mga dekalidad na TV show at pelikula ang napakahusay na Diamond Star, dahil tiyak namin na marami pa rin talaga ang nananabik na mapanood itong umaarte, lalo na kung heavy drama ang tema ng istorya.

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY to Andrea Bautista-Ynares on Dec. 10, Karen Martinez on Dec. 11, Pops Fernandez on Dec. 12, and Aiko Melendez on Dec. 15.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.