Ogie Alcasid at Regine Velaquez, lalaki ang panganay!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday! At maloloka ka talaga sa Earth for more chikka more fun to the maximum authority of chikka na bonggang-bongga ng nag-iisang pinagkakatiwalan at walang pinapanigan, serbisyong totoo lamang!

Maloloka ka naman talaga sa Earth dahil si Sharon Cuneta, isinasangkot din ni Genelyn Magsaysay sa pagkamatay ng anak na si Ramgen Revilla.

Nakita raw sa fb ni Genelyn na humihingi ng prayer kay Sharon at ang tawag sa kanya tita… naku, nakakaloka, ‘di ba? Yes! Kasi si Lyn Madrigal, mother ni Genelyn, ay naging asawa rin ng dating Mayor Cuneta, at may anak sila na half-brother ni Sharon. Kaya kahit papa’no, may relasyon si Genelyn kay Sharon at karapatan naman lang niya kahit kanino na humihingi ng tulong sa pamamagitan ng prayer.

Si Maria Ramona naman, hindi raw siya umeskapo, kundi talagang naka-schedule na talaga ‘yung pag-alis niya, at meron na talaga siyang plane ticket. Kasi nagbakasyon lang ‘yun para um-attend ng birthday ng nakababata niyang kapatid at maghahatid siya sa Baguio kasama ng mother niya at iba pang kapatid para mag-enrol sa PMA.

Kaya hindi pa rin talaga matigil-tigil ang isyu at palala nang palala… nakakaloka!!!

 

AT HETO NAMAN ang masa-yang chikka para sa mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. At last nanganak na rin si Regine at ang pang-alan ng anak nila ay Nataniel James. Bongga, ‘di ba?

Ayon naman kay Ogie, masayang-masaya ang kanyang misis nang masilayan niya ang anak nila… Naku, kahit naman sinong mother ay talagang magiging masaya. Kaya lang, naging Caesarian ang eksena niya sa panga-nganak, kasi sobrang laki naman niya talagang magbuntis.

Maibabalik pa kaya ni Regine ang katawan niya pagkatapos niyang ma-nganak? Hahaha! Nakakaloka, ‘di ba?!

 

BLIND ITEM: SINO siya? Sino kaya itong sexy actress na talaga namang nakakaloka? Kung gusto n’yo pa talagang maloka, pagkatapos ma-link sa isang sikat na politician, ang mas nakakaloka rito ay tatlong buwan na palang buntis sa isang apo ng kilalang komedyante. Hahaha! Nakakaloka!

Kaya pala hindi ko siya masilayan ngayon. Naku naman, bakit kaya uso ang pagtatago ng kanilang pagbubuntis… aminin na kasi para di mahirapan. Pak!

 

AT PARA SA bonggang detalye, makinig kayo for more chikka more fun na naman to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly, Monday to Friday, 11:30-12:00 nn sa DWSS 1494 KHZ at bonggang online streaming dwss-am.mellow947.fm. Every Saturday naman mapapakinggan ako sa Europe at sa online streaming i-type n’yo lang ang PINOYUKRADIO… At every Sunday naman ay sa DZRHTV 2:30-3:30 pm at sa mga online streaming naman  www.dzrhtv.prepys.com GODBLESS US ALL… BADJAO!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Ogie Alcasid at Regine Velaquez, lalaki ang panganay!

  1. kung totoo man na si ruffa mae ang blind item, congrats at least kilala mo ang ama ng dinadala mo at biyaya rin yan ng diyos, mas maganda kung magpakasal na kayo ni boy 2

Leave a Reply

Your email address will not be published.