Ogie Alcasid at Michael V., magpapatawa sa Yaya Angelina movie

ISA PALA SI Michael V sa mga may-ari ng isang sikat na restaurant na nasa harap mismo ng ABS-CBN kaya doon ginawa ang presscon ng upcoming Yaya Angelina movie nila ni Ogie Alcasid.

Mas teritoryo kasi ng mga taga-ABS kung tutuusin ang lugar kaya isang nakakalokang eksena na makita ang karamihan sa mga Kapuso stars parading in front of the said network. Bonggang-bongga pa naman ang preparation dahil kunwari ay isiniselebreyt ni Angelina ang kanyang 7th b-day.

Namataan nga namin ang grupo nina direk Bobot Mortiz na siyang ‘utak’ behind the gag shows ng Kapamilya network. In fairness naman, siya itong unang tumayo at lumapit kina Ogie at Michael V at nag-wish ng good luck sa pelikula ng dalawa under GMA Films at APT Ent. ni direk Mike Tuviera.

Nakakaaliw ‘yung entrada nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na gumaganap na parents ni Angelina. Talagang sweet na sweet sila at feeling nga namin ay parang mag-asawa pa rin sila. Nang itanong namin kay Ogie bilang Angelina ang wish niya, sinabi nitong “sana magkabalikan na kayo,” of course referring to Jom and Aiko. Pero mas bongga ang isinagot ng singer-actor on his wish being an Ogie Alcasid. Tsika nito, “sana nga totoong nagpakasal na kami ni Regine.” Yun na!


by Ambet Nabus

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.