OgiE – LIVE!!!

“Entertainment!” ‘Yan ang napansin ng mga manonood sa programang E-Live nitong Sabado, Oktubre 2. Ito ang first appearance ng Pinoy Parazzi columnist na si Ogie Diaz, ang bagong host at Kapamilya ng Entertainment Live na makakasama na natin tuwing Sabado.

Matapos nga ang kanyang career sa May Bukas Pa at Momay, muling mang-aaliw si Ogie sa pamamagitan ng trademark na nga yata niya sa pagbibigay ng showbiz balita tulad ng ginawa niya noon sa Umagang Kay Ganda. Kaya naman nang isalang ang bagong host ay nagkaroon na kaagad ng bagong mukha ang show. Mas naging kuwela ang programa, mismong pati ang kanyang co-hosts na sina Cesca Litton, Nikki Gil at Luis Manzano ay tuwang-tuwa sa kanya. At pati sa kanyang mga pasabog na blind items, ang co-hosts niya ay nag-e-enjoy sa pakikinig at panghuhula. Kung dati nga ay may Pekto sa laglagan na programa, ngayon naman ay pati sa kanyang mga kasama sa bago niyang programa.

Sabi nga nila, kahit anong uri man ng trabaho ‘yan, malaking bagay na napagdadaanan mo ang lahat ng pasikut-sikot sa isang bagay. At ang bagay na ‘yun ay babagay sa ‘yo.

By Jet Bentulan

Photos by Mark Atienza

Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “OgiE – LIVE!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.