OFWs sa UAE, Binalaan Kontra Loan Sharks

INABISUHAN ANG mga overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho partikular sa United Arab Emirates (UAE) na iwasan ang pangungutang sa loan sharks para may maipadala sa mga kaanak na nabiktima ng bagyong Yolanda.

Ang loan sharks ay tao o grupo na nagpapahiram ng pera na mayroong mataas na interest rates na isang iligal na aktibidad.

Sinabi ni Consul General to Dubai Frank Cimafranca na mas pinaigting na ang relief efforts kaya hindi na kailangang sumugal pa sa loan sharks ang mga manggagawang Pinoy.

Sinasabing isang paraan din ng pagsingil sa mga umutang sa loan sharks ay pangba-blackmail sa mga ito o ‘di kaya’y pagbabanta sa buhay.

Aminado naman ang ilang OFWs na kapit na sila sa patalim kaya sinusunggaban ang loan sharks lalo’t panahon na ng Kapaskuhan.

Samantala, umaasa si Cimafranca na matulungan ng mga bangko sa UAE ang mga manggagawang Pinoy para hindi mabiktima ng scam.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.