OFW’s Sa Saudi, May Dagdag-Benepisyo

SIMULA OKTUBRE 1, bukas na ang Saudi Arabia sa mga Filipino household service workers.

Ito ay matapos maayos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga requirements ng Saudi Arabia at alisin ang ban sa mga Pinoy sa nasabing bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, mas magiging maganda ang sitwasyon ng mga magtatrabahong household workers sa Saudi dahil sa dagdag-benepisyong nakapaloob sa kanilang kontrata.

Sinabi ng kalihim na $400 ang magiging minimum na sahod ng mga Pinoy na makakapagtrabaho roon.

Magbubukas rin ng bank account para sa mga household service worker at sila ang hahawak ng passbook na regular na dedepositohan ng mga employer sa katapusan ng buwan.

Bukod dito, may opisyal na pahinga na rin ang mga manggagawang Pinoy, malinis na matutuluyan at sapat na pagkain.

Sakaling magkasakit, sa-sagutin aniya ng employer ang pagpapagamot ng Pinoy domestic workers at hindi mababawasan ang suweldo ng mga ito.

Sakaling i-renew ng employer ang kontrata ng empleyado, kailangan munang itong pagbakasyunin ng 30 araw sa Pilipinas.

Kailangang suklian ng mas magandang serbisyo ang mga benepisyo ng mga Pinoy, kaya dadaan sila sa mas masusing training, ani Baldoza. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.