OFWs na Namemeke ng Dokumento, Binalaan ng PH embassy

MAHIGPIT NA nagbabala ang Philippine embassy sa mga Pinoy sa Saudi Arabia kaugnay sa paggamit ng pekeng marriage certificate at iba pang mga dokumento.

Sinabi ng embahada na maraming ina umano na may mga undocumented na anak ang hindi ma-repatriate sa ilalim ng grace period na pinalawig hanggang Nobyembre 3 dahil walang birth certificate na iniisyu ng embahada.

Hindi umano ito-tolerate ng embahada ang pamemeke ng dokumento at kapag nakahuli sila ay hindi sila magdadalawang-isip na isumbong sa mga awtoridad.

Kailangan ang birth certificate sa pag-iisyu ng exit visa ng Saudi passport department.

Samantala, hindi naman ipinaparehistro sa embahada ang ibang mga bata dahil bunga ang mga ito ng bawal na pakikipagrelasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.