OFWs, Binalaan Kontra Protesta sa Saudi

MAHIGPIT NA nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino workers kaugnay sa mahigpit na batas ng Kingdom of Saudi Arabia laban sa paglulunsad ng mga kilos-protesta.

Ginawa ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago ang apela matapos maaresto ng Saudi police ang tatlong Pinoy na naglunsad ng pagkilos sa labas ng Philippine Embassy sa Riyadh.

Iginiit ng naturang  opisyal na wala aniyang “justification” ang nasabing hakbang ng ilang grupo ng mga OFWs, lalo’t ginagawa na aniya ng gobyerno ang lahat para mapabilis ang kanilang pag-uwi sa bansa.

Base sa ulat, kaagad naman umanong pinalaya ng mga kinauukulan ang mga naaresto na kinilalang sina Lyndon Salonga, Juan Carlos at Jon Jon de Vera.

Samantala, ini-report din ni Tago na umaabot na sa mahigt 7,500 Filipino workers ang nagpatala ng kanilang intensyon na u-muwi ng Pilipinas, sa gitna ng pinaigting na crackdown ng Saudi government laban sa mga overstaying at undocumented foreign workers.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.