OFWs, bawal muna sa Venezuela

PANSAMANTALANG ITINI-GIL ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFW) na nais magtrabaho sa bansang Venezuela.

Ito ay dahil sa nakataas na crisis alert level 2 o restriction phase sa nasabing lugar.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary at POEA governing board chairman Rosalinda Dimapilis-Baldoz na inaprubahan na ang pansamantalang pagpigil sa pagpapadala ng OFWs sa naturang bansa dahil sa malalang tensyon.

Nilagdaan ang resolusyon nina POEA Administrator at Vice-Chair Hans Leo Cacdac at ng mga kasapi ng board na sina Feliz Oca, Estrelita Hizon at Alexander Asuncion.

Noong Marso 5, itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 2 dahil sa patuloy na karahasan doon.

Pinaiiwas naman ng kagawaran ang mga Pinoy sa Venezuela sa matatao o kritikal na lugar kung saan ginaganap ang mga rally at protesta.

Pinaghahanda rin ang 104 Pinoy roon sa posibleng evacuation.

Nagsimula noong Pebrero 12 ang mga demonstrasyon sa bansa para patalsikin sa puwesto ang nakaupong pangulong si Nicolas Maduro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.