OFW Sa Middle East, Nakahanda Sa Umiigting Na Tensyon Sa Anti-Islamic Film

MULING BINUHAY ng grupo ng mga overseas Filipino worker (OFW) na Migrante International ang kanilang evacuation and assistance program na Sagip Migrante.

Ito’y kasunod ng pag-igting ng tensyon sa Middle East dahil sa protesta ng mga Muslim laban sa kontrobersyal na American film na “Innocence of Muslim”.

Sinabi ni Migrante Middle East Regional Coordinator John Leonard Monterola na layunin ng kanilang programa na magbigay ng tulong sa mga kapwa-OFW na manga-ngailangan ng tulong sakaling maipit sa kaguluhan.

Nagpaalala rin ito sa mga OFW sa Egypt, Libya at Yemen na iwasan o lumayo sa mga lugar na may nagpo-protesta.

Aminado naman si Monterola na hindi pa niya napapanood ang nasabing kontrobersyal na pelikula pero naniniwala siyang hindi hahantong sa mga kilos-protesta kung walang pinaglalaban ang mga naaapektuhan nito.

Samantala, nangangamba ang grupo na maaaring umabot hanggang Saudi Arabia, Kuwait, Qatar at United Arab Emirates ang mga kilos-protesta kaya kailangan ding doblehin ang pag-iingat ng mga manggagawang Pinoy.

Maaalala na sa paglalarawan ng Reuters sa “Innocence of Muslim”, sinasabing ipinapakita ang propetang si Mohammed bilang isang pekeng propeta, “womanizer”, “homosexual”, at “child abuser.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.