OFW natangayan ng iba’t ibang pera

NATANGAY ANG alahas, gamit at iba’t ibang klase ng pera ang isang Overseas Filipino Worker ng tatlong lalaki nang pasukin ng mga huli ang bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nadakip naman sina Rolando Regis, 26; at Joseph Deocariza, 18, kapwa ng Camarin ng lungsod habang nakatakas si Cezar Ruiz.

Sa ulat, alas-3 ng umaga, natutulog ang biktimang si Maria Elene Espinosa, 22, sa loob ng kanilang bahay sa Area D, Camarin nang magising at tutukan ng baril ng isa sa mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang LCD TV., iPhone, laptop, 3 hikaw, wallet na naglalalaman ng P4,000, $800, 400 Hong Kong dollars, 500,000 Korean money, at 200 Chinese money bago nagsitakas.

Nakahingi naman ng tulong ang kapatid ng biktima na si Erwin sa mga pulis na naging dahilan upang masakote sina Regis at Deocariza.

Nabawi ang Television at iPhone ng biktima habang tangay ni Ruiz ang iba pang nakulimbat na pinaghahanap na ng mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.