OFW, Nalunod sa Crater ng Mt. Pinatubo; Pamilya, Magdedemanda

PLANO NG pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW), na nalunod umano sa crater ng Mt. Pinatubo, na maghain ng kaso sa sinumang responsable sa pagkasawi nito.

Enero 2 nang malunod umano sa crater-lake ang 44-anyos na si Anastacio Julao, residente ng Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa pamilya ng biktima, wala ni isang nag-rescue sa kanilang kaanak at tanging ang tour guide ang tumulong dito.

Giit pa ng ina ni Julao, maisasalba pa sana ang buhay ng anak kung may nag-rescue lang doon o may helicopter sa naturang lugar.

Base sa ulat ng Municipal Office ng Capas sa Tarlac, nasawi si Julao matapos na atakihin sa puso. Hindi naman naniniwala ang mga kaanak ng biktima dito.

Ang pagkamatay ng biktima ay nagtulak sa Department of Tourism na magbigay ng abiso sa publiko na posibleng may “hazardous substances” ang lawa.

Ayon naman sa DOT regional office, nadiskubreng may arsenic, aluminum, boron, chloride, iron, manganese, sulfate and total solids ang lawa na maaaring makaapekto sa kalusugan at posibleng magdala ng peligro sa katawan ng sinuman.

Samantala, mabilis namang nilinaw ng ahensiya na nasa kamay na ng Capas, Tarlac at ng pamunuan na nangangasiwa sa crater-lake, kung susundin ng mga ito ang kanilang advisory.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.