OFW, Inakyat-Bahay Na Pinatay Pa

MULING SUMALAKAY ANG mga kilabot na Akyat-Bahay Gang na ang huling biktima ay isang 52-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Binangonan, Rizal na matapos pagnakawan sa loob ng kanyang bahay ay pinatay pa.

Kinilala ni Supt. Rodino Elfa, Binangonan PNP chief ang biktima na si Josephine Pineda, ng #144 National Road, Brgy. Calumpang, ng nabanggit na bayan.

Patuloy pa ring tinutugis ng pulisya ang mga tumakas na suspek tangay ang mga personal na gamit ng biktima kabilang ang mga alahas at salapi.

Sa imbestigasyon ni SP02 Pablo Medina Jr., alas-6:50 ng gabi nang maganap ang pagnanakaw habang nanonood ang bikitma ng telebisyon sa sala ng kanyang bahay nang pasukin ng mga suspek at kinaladkad papasok ng banyo, saka pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na agaran nitong ikinamatay.

Sa kasalukuyan, blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga suspek dahil sa kawalan ng mga testigo.

(ROMY TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.