OFW Help Desk, inilunsad sa Navotas

PARA MASIGURO ang seguridad, karapatan at kaligtasan ng mga Navoteño na nagtatrabaho sa ibang bansa, nag-lunsad ng OFW Help Desk ang Navotas City hall sa pakiki-pagtulunga ng Overseas Wokers Welfare Admisnitration (OWWA), matapos lagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA), kamakailan.

Aabot sa 12,000 residente ng nasabing lungsod na nagtatrabaho sa ibang bansa ang makikinabang at mabibigyan ng tulong sa OFW Help Desk na matatagpuan sa unang palapag ng Navotas City Hall na pamumunuan ng Public Employment and Services Office (PESO).

Ayon kay Emma V. Sinclair, OWWA NCR Director II, ang nilagdaang MOA ay isang magandang simula sa relasyon ng OWWA at ng pamahalaan lokal ng lungsod, nang sa gayon ay matutukan at agad na maasistihan ang mga Navoteño na nag-aabroad.

Sinabi naman ni Mayor John Rey Tiangco, na ang “Help Desk” ay isang mala-king bagay para sa mga residente, tulad ng mabilis at maayos na makakonekta ang isang miyembro ng pamilya na may kaanak na OFW.

Ani pa ni Tiangco, ang nasabing programa ay magbibigay rin sa mga kliyente ng impormasyon hinggil sa edukasyon at komunikasyong materyales at tulong kung paano makakuha sa OWWA ng kanilang mga programa at iba pang serbisyo.

Nakasaad din sa kasunduan na ang nasabing lokal na pamahalaan lungsod at ang OWWA ay magkaroon ng kampanya at aktibidades hinggil sa usapin ng migration at iba pa.

(MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.